It's been a week since we decided to take cool off. Akala ko magiging ayos lahat sa pagitan namin, pero hindi pala. Akala ko rin magiging maayos lahat dahil ang iisipin ko lang ay pag aaral, pero mali ako. Dahil mas lalong lumala ang nangyayari sa bahay.
"Pomona! Pumasok ka ba sa kwarto ko? Bakit nawawala yung box dito, hah!"
Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Mama. Binitawan ko ang reviewer ko at inis na lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng pag bukas ko palang ng pinto ay humampas na sa pisngi ko ang isang box.
I held my cheeks. It's sting, but i didn't mind it. Nag taas ako ng tingin kay Mama ay nakita kong galit itong nakatingin saakin habang hawak ang isang box ng LV.
"Bakit ka nakialam sa gamit ko?! Nakita ko 'to sa basaruhan, kung hindi ko pa nakita baka nawala na yung nakalagay na card dito para ma access yung bag!" nangagalaiti niyang saad. "Diba sabi ko na huwag kang papasok sa kwarto ko! Bakit ba hirap na hirap kang ipasok sa maliit mong kokote ang bagay na yun!"
Kumirot ang dibdib ko dahil sa narinig. Mula ng mag umpisa ang taong ito, doon ko rin napapansin ang pagbabago sa ugali ni Mama. Akala ko dahil lang sa pagod niya, pero sa mga nagdaang buwan ay mas lumala pa. Minsan ang napagbubuhatan niya na ako ng kamay. At halos napapadalas na rin ang pagsabi niya saakin ng mga salitang mukhang matagal niyang itinago sa sarili niya.
"Ma, nakakaㅡ" naputol ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang natamo ko.
"Sasagot ka pa! Wala kang galang! Sana pala pinalaglag nalang kita noon katulad ng sinabi nila Ate!"
My eyes widen. There was a tingling sensation around my ear. Bigla nalang akong nanghina. Unti-unting lumukob ang sakit sa dibdib ko hanggang sa nahirapan ako huminga.
Sana pala pinalaglag nalang kita noon katulad ng sinabi nila Ate!
I shut my eyes tightly. I was trying to comfort myself. But my mind won't let me. My hands started trembling and my knees feels weak.
There's no tears coming out from my eyes, but my heart is crying.
Kaya pala. Kaya pala ganon nalang ako tratuhin ng ibang mga kamag-anak namin, kaya pala ganon nalang ako ipagtanggol ni Lola nung nabubuhay pa siya. Kaya palaㅡkase gusto na nila akong ipalaglag noon pa.
Tuluyan akong napa-upo. Sunod sunod na hikbi ang pinakawalan ko. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman ko.
I'm too tired. It was too suffocating.
Pagod na pagod na ako. Sa bahay, sa klase, sa mga performance task, sa nangyayari, sa sarili ko. Pagod na pagod na ako sa lahat. Ni kahit maayos na tulog ay wala ako. Kahit pag-kain minsan nakakalimutan ko na sa dami ng iniisip at gawain. Nakakapagod na. Pagod na ako.
"Pagod na ako," reklamo ni Johann ng matapos kaming mag PE.
Hingal akong umupo sa may upuan. Pinatakbo kase kami sa buong field kanina, tapos sobrang init pa. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng bag ko at pinunas iyon sa may noo ko. Habang nagpupunas ako ay bigla nalang may nag abot ng isang bote ng tubig at gatorade saakin. Nang mag taas ako ng tingin ay halos lumuwa ang mata ko ng makitang si Isaac iyon.
"Mag palit ka na ng damit mo, baka ubuhin ka." seryoso niyang turan.
Narinig ko ang mahinang tili at asar nila Cece. Tinignan ko lang ang gatorade at nang mapansin niyang wala akong balak kunin ay siya na mismo ang nag lagay nun sa kamay ko.
"Alam kong nagtatampo ka pa sakin, pero hayaan mo akong alagaan ka."
Narinig ko ang tili nila Cece, kaya napatingin ako sakanila. Pasimple silang sumenyas saakin bago hilain ni Cece si Johann palayo.

BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]