02

298 14 1
                                    

The first and second month of school year became a roller coaster ride. Sa loob ng dalawang buwan ay napakarami ng nangyari.

Nakilala ko na rin lahat ng mga kaklase ko. Although, wala naman akong ka-close sakanila kahit isa ay ayos lang. Pabor naman iyon saakin dahil mas gusto ko mapag-isa at magkaroon ng tahimik na buhay. Pero, mukhang hindi iyon binigay saakin, dahil mula ng makilala ko sila Janina ay hindi na natahimik ang buhay ko.

Kakatapos lang ng last subject namin at uwian na. Friday kase ngayon kaya't maaga ang uwian namin. Isa lang ang subject namin ngayong tanghali at iyon ay ang PE.

Inayos ko ang mga gamit ko. Nilagay ko sa bag ang notebook at mga ballpen at highlighter na ginamit ko kanina sa pag take down notes. Pagkatapos kong maayos ang lahat ay isinara ko iyon at agad na isinukbit sa magkabilang braso ko. Inayos ko lang ang upuan ko bago tuluyang lumabas ng room.

Naglalakad ako pababa ng building ng STEM. Nang mapadaan ako sa room ng STEM 2 ay nakita ko sa siwang ng pinto ng masaya silang nagtatawanan sa loob habang may babae at lalaking nakatayo sa may harap.

Humawak ako sa strap ng bag ko at muling binaling sa harap ang tingin. Pagbaba ay agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa para i-text si Mama at magtanong kung nasa bahay pa ba sila.

Me:
Ma? Asa bahay ka pa po?

Patuloy akong naglalakad habang hinihintay ang reply ni Mama. Nang makarating ako sa may hallway at agad akong lumiko pakanan upang tumambay sa may bleachers, malapit sa may football court.

Nang tumunog ang phone ko ay agad ko iyong binuksan. Nakita kong nag reply na si Mama kaya't binasa ko iyon.

Mama💜:
Wla na nk. Nsa may
canteen na ako. ot kmi.

Mama💜:
luto mo nlang yng
manok sa ref

Pinalobo ko ang pisngi ko at tinago ang phone ko sa may bulsa ng palda. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa may soccer field. Good thing at wala rin masyadong tao ngayon, dahil iba iba naman ang schedule ng bawat strand. Minsan ay may pareho pero halos iba iba talaga.

Pag dating ko sa may football court at nakita kong may mga estudyanteng tumatakbo sa field. Nakasuot sila NV katulad kong senior high na damit at halatang mga grade 11, dahil sa kulay ng collar nila.

Sakto namang medyo makulimlim kaya pinili kong maupo sa may gilid ng bleachers. Nilapag ko sa lap ko ang bag at agad na nilabas ang phone at earphone ko. Plinug ko ang earphone sa phone at nagpatugtog ng mga opm songs.

Kinuha ko ang librong binabasa sa bag at inumpisahan muling basahin ang hindi ko natapos na libro kagabi.

I was busy reading the book when suddenly a bottle of C2 popped out on my sight. Tumigil ako sa pagbabasa at nagtatakang nag-taas ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita sa harap ko uli iyong lalaki na nagtanong saakin last last month . Halos maubusan ako ng hininga ng makitang nakangiti siya saakin. His eyes are also smiling.

"Hi? Hindi ko pala nasabi strand ko nung first day. HUMSS ako, pero willing naman akong matuto ng physics." he said out of nowhere. "C2?" he handed me the bottle. "Did you know that, C2 is rich in essential antioxidants called catechins which are good for the body and known to decrease the risk of heart disease and certain cancers." he said proudly.

Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaibigan niya. Why is he suddenly spitting facts? He's weird.

"Ay putangina! Sabihin mo, salamat Google!"

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon