"Ehem, Humanista, ehem!"
Napayuko nalang ako at pilit na inabala ang sarili sa art na ginagawa. Nagkaroon kase kami ng task sa UCSP at kailangan naming gumawa ng art tungkol sa culture ng mga ifugao.
"Did you know thatㅡ" lumingon ako kay Johann at sumimangot. He laughed and made a peace sign. "Just kidding, sistah! Alam ko namang si Humanista mo lang ang want mo na magsabi nun sayo," malakas ang naging tawa niya.
Napapahiya akong nagbaba ng tingin ng mabaling ang atensyon ng mga kaklase ko sa gawi namin. Mahina pang sinuway ni Rike si Johann, dahil sa lakas ng tawa nito.
"Goodmorning class,"
Mabilis kaming lumipat sa assign seat namin sa Biology class. Umupo ako sa may harap dahil Cruz ang apelyido ko.
"Bring out your pen and your notebook. Take down notes, you will have your quiz after."
I took my paper and pen out from my bag. Umayos ako ng upo at tumingin s harap.
"Our lesson for today is all about the cell theory." nagsulat si Sir sa white board. "But first, let me ask you a question. Alam kong may idea na kayo tungkol sa cell, dahil naituro narin ito nung grade 9 kayo, lalo na sa mga kumuha ng Speacial Science Class. So, ang mangyayari ay parang babalikan lang natin yun at the same time ay dadagdagan ang mga kaalaman ninyo." Sir, explained.
I'm from a regular class, pero naituro na saamin iyan nung grade 9. But I actually didn't enjoy our biology class back then, dahil narin sa minsan lang nagturo iyong teacher namin doon at sobrang bilis pa niya magsalita.
"Do you have any idea what is cell? Anyone?"
I bow down my head when Sir suddenly gaze at my side. I know the defenition of cell, pero wala akong lakas ng loob para mag recite. Pakiramdam ko ay masusuka o mauutal ako, nakakahiya.
"Okay, Ms. Lily."
Nakahinga ako ng maluwag ng nag tawag na si Sir.
"Sir, cell is the smallest unit that can live on its own and that makes up all living organisms and the tissues of the body." she answered confidently.
"Thank you, Ms. Lily. Gaya nga ng sabi ni Ms. Lily, cell is the smallest unit that can live on it's ownㅡin short, cells are the basic unit of life." tumigil si Sir at nagsulat sa white board. "Based on the cell theory, ang lahat ng organismo ay binubuo ng isa o ng higit pang cell. Ito ang pangunahing unit sa struktura at paggana sa mga nabubuhay na bagayㅡ"
The discussion went smooth. Seconds, minutes and hour passed, ay hindi ko namamalayang masyado na akong nag i-enjoy sa klase namin sa biology. How can I not tho? Sir, Felarco is such a good teacher. Hindi rin ito boring dahil paminsan minsan ay nagbibiro sila.
"Eukaryota or Eukarya are organisms whose cells have a nucleus enclosed within a nuclear envelope. Unlike prokaryotic cell, eukaryoticㅡ" the class was interrupted when someone knocks on the door.
Napalingon kaming lahat doon. Binuksan ni Bien ang pintuan dahil siya ang malapit doon. Two students from the STEM 3 class showed up. Naka-bag ang mga ito at may kanya kanyang dalang payong.
"Yes? Do you need anything, Greg? Vannesa?" sinenyasan sila ni Sir na lumapit, kaya't pumasok ang mga ito.
"I'm sorry for the enteruption, Sir. Pero pinapasabi po ni Ma'am, Carlota na suspended na po ang klase. Lahat daw po ng students kailangan ng pauwiin dahil po sa lakas ng hangin at ulan." the Greg guy, explained.
Narinig ko ang mahinang pag yes ng iba. Tinakpan ko ang bibig ko ng bahagya akong humikab.
"Okay. By the way Vanessa, nakita nyo baㅡ" lumabas ng room sila sir.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Novela JuvenilShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]