"Sukat mo nga 'to, Pona." Isang dress na kulay pula ang ibinigay saakin ni Mama.
Pabuntong hininga kong kinuha iyon. "Ma, andami na nating napili." turo ko sa tatlong damit na hawak nito. "Nakakahiya kay Tita," bulong ko.
Umiling si Mama at pinilit na ibinigay ang dress sakin. "Hala, sukatin mo na 'yan. Ang tita mo mismo ang pumili niyan, baka magtampo." suway niya saakin.
I scratched my cheeks and get the dress. Pumasok ako ng fitting room at isinukat iyon. It was a red sleevesless dress, pa-ekis ang likod nito habang sa harap ay simple lang.
After kong isukat ay lumabas ako ng fitting room. Binigay ko iyon kay Mama at walang tanong na kinuha para ilagay sa basket.
Busy ako sa pagtitingin ng pantalon ng bigla akong makaramdam ng pagka-ihi. Dala ang bag ay lumapit ako kay Tita para magpaalam saglit na mag c-cr lang. Hindi ko kase mahagilap si Mama kaya't kay Tita nalang ako nagpaalam.
"Oh, sige, baka matapos nadin kami rito, neng. Hanapin mo nalang kami ni Ate sa may shakey's." bilin ni Tita saakin.
Tumango lang ako at lumabas ng store. Bumaba ako sa may escalator para bumaba papunta ng CR. Dumeritso ako sa cr at laking ginhawa ko ng makitang kunti lang ang mga tao, mostly ay mga estudyante lang.
Nang matapos akong mag cr ay naghugas lang ako ng kamay at inaayos ang sarili ko sa may salamin. Naglagay ako ng kunting pulbo at inipitan ko rin ang lagpas balikat kong buhok. May nabangga pa ako palabas ng CR, kaya't tumama ang braso ko sa may bakal. Humingi naman agad ito ng tawad kaya't ganon din ang ginawa ko.
Inayos ko ang bag ko habang palabas ng CR. Pinili kong maglibot nalang saglit sa may gilid gilid. For sure naman na hindi pa tapos sila Mama. Ayoko rin namang bumalik pa doon, dahil paniguradong kung ano ano nanaman ang bibilhin nila para saakin.
Kaparehas ng ugali ni Mama si Tita, kaya't magkasundo talaga sila. Sakanilang walong magkakapatid, si Tita Risa ang pinaka-bata, samantalang si Mama naman ang pang lima. Dahil na rin sa hirap ng buhay, hindi na nagawang magtapos ni Mama ng college. Samantalang si Tita Risa at Tito Jake naman ang syang tanging nagtapos sa kolehiyo.
Walang anak si Tita Risa. Although, nasa mid 30's palang naman siya kaya't sa tingin ko ay makakahanap pa siya. Pero ang rinig ko ay may hinihintay siyang bumalik, hindi ko lang sigurado kong totoo.
"Hi," Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humarang sa harap ko. Halos mapairap naman ako ng makitang si Isaac iyon. "Bakit hindi ka pa umuuwi? Last trip nung 5:15, ah?" takha niyang tanong.
"E, bakit ikaw?" wala sa sarili kong tanong. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. I then realized na mayaman pala ito. "Nevermind," bawi ko.
Ang tanga lang, Pomona. Nakalimutan ko nanamang hindi lang pala isang ordinaryong estudyante si Isaac. Una ay sila Johann, ngayon naman ay siya. Meron pa bang susunod?
His adam's apple moved. Umiwas siya ng tingin saakin. "Well.. ahm, I was about to, pero ano.." pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Wag mo ng sagutin, nakalimutan ko lang na baka may sarili kang sasakyan." ngiwi kong saad.
His brows furrowed while looking at my arms. Napababa ang tingin ko roon at tinignan ang tinititigan nito. Napa oh ang bibig ko ng makita ang isang malaking pasa roon. Paniguradong galing sa may bakal kanina.
"What happen to that?" his voice sound serious.
Itinago ko ang braso ko sa likod ko at umiiling na tumingin sakaniya. "Wala, nabunggo lang sa may bakal." simple kong sagot.
Hindi ito sumagot. Hindi niya rin I alis ang tingin sa may braso ko kaya't mas lalo kong iniwas iyon. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko para tignan ng mabuti iyong pasa sa may braso ko.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Roman pour AdolescentsShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]