I want to dedicate this chapter to _rorrrrrrr!
Time flies so past. Hindi ko na namamalayang tapos na pala ang unang taon ko bilang isang SHS student. Isang taon na lang sasabak na ako sa panibagong yugto ng buhay ko.
Being an SHS student is not a joke. It's not what you think it's like. Hindi man siya kaseng hirap ng college, hindi pa rin siya madali.
And if there's one thing that I've learn, it was you should always be alert. Dahil kapag tumuntong ka ng SHS, maraming surpresa. Maninibago ka o iyong sinasabi nilang culture shock.
"Poms, malapit na uli ang 4th monthsarry nyo ni Isaac. So, what's your plan?"
Binaba ko ang phone ko at tumingin kay Janina. "Wala naman. Baka mag coffee date kami sa may Dagupan, bakit?"
Umiling si Janina at umupo sa tabi ko. "Wala naman. I just really admire your relationship with him. Ang cute cute nyo kaya! Hay, I want a relationship like that. Iyong lowkey at simple lang pero alam nyong mahal nyo ang isa't isa." she said, sadly.
Ngumiti ako sakaniya at mahinang tinapik ang balikat nito. "Magkakaroon ka rin, Jan. Someday, you'll find someone who will love you unconditionally."
I really want them to have a man or woman who'll love them the way they deserve. I really pray for that.
Ngumiti si Janina at mahinang tumawa. Napangiti na rin ako dahil bumalik na ang sila niya. Hindi talaga ako sanay na may isang malungkot sakanila, pakiramdam ko nalulungkot din ako.
Sabay kaming lumabas ni Janina ng room. Sakto namang pagbaba namin ng building ay nakasalubong namin sila Johann, Cece at Drew. Mukhang tapos na ang mga ito na kumuha ng form para sa darating na enrollment.
"Grabe ang haba ng pila kanina!" saad ni Cece at ibinigay saamin ni Janina ang form.
Parehas kase kaming late ni Janina, kaya hindi na kami nakapila. Mabuti na nga lang at malakas si Cece sa mga nagbibigay ng form, kaya nahingian niya na kami.
Perks of having a friend who's an SSG member. Lmao.
"Thank you, Ce." sabay naming saad ni Janina.
Nilagay ko sa bag ko ang form. Napatingin ako sa kaliwa ko ng tumabi si Drew saakin. Nang makita niyang nakatingin ako sakaniya ay ngumiti lang siya at marahang tinapik ang ulo ko. Inis ko naman siyang pinalo dahil doon.
"Gala tayo sa Magic Mall at TC. Sulitin na nating kasama natin si Poms," aya ni Johann.
Ngumiwi ako. "Lagi naman tayong magkasama, oa mo." saad ko.
Johann made a face. "Oo nga, kasama ka nga namin. Pero may sarili naman kayong mundo ng Humanista mo. Kaloka! Nakaka bitter kaya kayo, hello!" he said sarcastically.
Tumawa nalang ako dahil sa tinuruan. Ang bitter bitter niya kahit kailan. Palibhasa kase nalaman niyang babae yung kausap niya sa litmatch at nag panggap lang na lalaki. Tapos siya pa na-ghost.
"Ang bitter Johann, ah. Ayan kase, litmatch pa." parinig ni Cece.
Padabog na hinarap ni Johann si Cece at hinila ang buhok nito. Napadaing naman si Cece dahil doon.
"Hoy ikaw Cecelia! Huwag mo na nga ipaalala 'yun. Ang kapal kapal ng bruha na 'yun, siya na nga nanloko, siya pa nang-ghost." mapait niyang saad.
Pinigilan ko ang matawa. Mukha siyang batang hindi binilhan ng kendi. Kung hindi ko lang kilala si Johann at narinig ko ang sinabi niya, iba talaga ang iisipin ko dahil sa tono ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]