It's been two weeks since me and Isaac is officially in a relationship. Mas lalo siyang naging sweet pero kasabay nun mas lalo siyang naging mapang-asar. Though, gusto ko rin naman na mapang-asar siya, hindi ko lang talaga mapigilan mapiko minsan. Katulad nalang ngayon.
"Cute mo nga, e. Mukha kang baby duck, love haha!" natutuwa niyang saad habang nakatingin sa baby pictures ko.
Hindi ko nga alam pano niya nagkalkal 'yan! Sabi ko hanapin niya yung mga CD pero iba ang nahanap ng loko.
Lumapit ako sakaniya at kinuha iyon. Agad niya iyong inagaw saakin kaya tumakbo ako palayo sakaniya.
"Love, patingin pa!" maktol niya na parang bata.
"Sabi ko CD hanapin mo. Hindi ko sinabing mangialam ka ng photo album," sermon ko sakaniya.
Umirap siya at padabog na umupo. "Kasalanan ko bang katabi yan nung mga CD? Parang hindi boyfriend, ah." nagtatampo niyang saad.
Napasimangot nalang ako dahil sa sinabi niya. "Lakas mo mang asar, ah. Parang hindi mo ko girlfriend." balik ko sa sinabi niya.
Napakamot nalang sa batok si Isaac sa sinabi ko. Umirap ako at nag lakad sa may cabinet para ibalik iyong photo album.
"Oh? Natahimik ka?" taas kila kong tanong.
Ngumuso siya at lumapit saakin. "Sorry na love ko. Ganda ganda mo, e. Wag ka na magalit, kiss nalang kita." umakto siyang hahalikan ako kaya pinahalik ko sakaniya ang palad ko.
"Kiss mo palad ko," irap kong saad.
Malakas na tumawa si Isaac bago panggigilan ang pisngi at ilong ko. Yumakap ako sa beywang niya at hinayaan lang siyang kurutin ako roon.
Kumapit ako sa braso ni Isaac habang pauwi kami galing sa palengke. Bumili kase kami ng mga Street foods at ng milktea, dahil naisipan namin mag picnic, sa may likuran ng bahay. Bukid na kase iyon at maganda ang sunset tuwing hapon.
"Hindi ka ba talaga sasama sa Vegas? Sayang din kase. Atsaka, panigurado miss ka na ng parents mo. Minsan na nga lang kayo mabuo, e." lintaya ko.
Napabitiw ako sakaniya ng itaas niya ang braso niya at inakbay iyon saakin. "Uuwi naman sila Mommy dito. Atsaka, diba nga sabi ko. Gusto kong I-celebrate ang Christmas kasama ka, Pona."
Nag taas ako ng tingin sakaniya. "May video call naman. Dapat unahin mo ang family mo, Isaac. Atsaka, diba nga sabi mo uuwi rin kayo ng New Year. Isang linggo lang naman yun." pilit ko sakaniya.
Gusto ko kase talaga na sumama siya. Oo, mamimiss ko siya, pero isang linggo lang naman siya mawawala. Alam kong mas namimiss siya ng Mommy at Daddy niya. Lalo na at nasabi niya saakin noon na minsan lang sila mag kita, dahil busy ang mga ito sa business at company nila.
Hinila ako ni Isaac palapit sakaniya at pinagpalit ang pwesto namin ng may padaan na motor. Agad naman akong pinamulahan dahil doon.
"Para namang gustong gusto mo akong umalis, Pona." malungkot niyang saad.
Ngumuso ako at hinila siya pahinto. Hinarap ko siya saakin. I tiptoed and reach his face. He bend down when he saw me struggling. I cupped both of his cheeks.
"Ang tampuhin mo naman, Vany." tudyo ko sakaniya, ginagaya ang boses nito tuwing sasabihin niya iyon saakin.
He chuckled and kiss my forehead. He's been doing that but it's still feel like the first time. Siya naman ang humawak sa mukha ko at mahinang tumawa.
Mahina kong sinampal ang mukha niya. "But Isaac, you should really go. Gusto mo bang malungkot ang Mommy mo? Hindi ba ngayon lang uli nila kayo makakasama, tapos hindi ka pa pupunta." paliwanag ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Novela JuvenilShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]