The third day of sport fest. Busy nanaman kaming lahat sa pag-babantay ng booths namin.
Tapos na ang laro ng volleyball ng mga Grade 11. At nanalo ang STEM sa men's volleyball, samantalang ang HUMSS naman ang nanalo sa women's volleyball. Ngayon naman ay nag-umpisa na ang laro ng mga grade 12.
"Cece is so busy na," ani ni Johann. "Sissy, mag watch tayo ng soccer game mamaya, hah. Andaming poging college students mamaya. Atsaka, I-cheer mo naman si Isaac lalabs mo."
Nag-inat ako at inayos ang suot na jacket. Tumingin ako kay Johann at nakita kong nakangisi ito saakin.
"Bakit ko naman siya i-che-cheer?" tanong ko.
Hinawakan ni Johann ang balikat ko. "Kase crush mo siya,"
Ngumiwi ako. "Nyeh, hindi ko na siya crush 'noh." sagot ko.
Mahina akong sinampal ni Johann bago ito umayos ng upo. "Kaya ka nagkakasakit. Sinungaling ka," iling niya.
Inirapan ko siya at tumingin nalang sa harapan. Kami ang naiwan magbabantay ng booths, kaya wala akong magawa kundi tiisin na kasama siya ngayon.
"Pero sa true ba, hindi mo feel na crush ka niya?" he asked out of nowhere.
I look at him and snorted. "Hindi. Gusto lang talaga ako asarin nun, mula pa nung nangyari sa HUMSS building." iling ko.
"Weh? I bet disagree, your honor!" saad niya at pinalo pa ang counter table. "Why would he do such thing to you?" tanong niya
I lean on the back of the chair. "Like what?" I asked, confused.
Johann rolled his eyes. "Liking your post, commenting, giving you foods and beverages. He even search some facts about those foods he gives on you. Sissy, you're just dense. Why would he exert effort learning those things, kung hindi ka niya gusto? Sa sungit at pabebe mong 'yan tinitiis niyang kulitin ka? No offense, sissy. Pero, jusko, ang manhid manhid mo." ani niya.
Pinag-krus ko ang braso ko at nangalumbaba."Kung gusto niya ako, bakit hindi niya nalang sabihin?" tanong ko.
If he really likes me, then he should just tell me. Gusto ko rin naman siya, e.
Johann messed his hair. "E, ikaw? Gusto mo rin naman siya, bakit hindi mo sabihin?" balik niyang tanong.
I frown at him. "Bakit ko sasabihin? Nakakahiya kaya!"
"See! Ayaw mo umamin kase nahihiya ka. Edi, ganon din siyaㅡactually, nah. Nagpaparamdam na nga siya, ikaw lang itong dense." ani niya saakin.
Nag-inat ako at niyakap ang sarili. Parang sumakit lalo iyong ulo ko sa mga sinabi ni Johann. Isinuot ko ang hood ng jacket sa ulo ko at tumingin lang sa harap, para panoorin ang mga estudyanteng naglalakad.
"Heyㅡwhat happen to you, Poms? Bakit balot na balot ka ngayon?" Lumingon ako sa may gilid at nakitang naglalakad palapit sa pwesto namin si Drew. Nag-sign lang ako sakaniya ng wala at dumantay sa may likod ng upuan.
"Anyare sayo? Nilalagnat ka?" tanong niya ng makarating sa harapan ko. He leaned forward and put his hand on my forehead. "Mainit ka nga. Bakit ka pa pumasok, Poms?" tanong niya.
Hindi pa ako nakakasagot ay nauna ng nag salita si Johann.
"That's what I've been asking earlier. Pero sabi niya she's okay, pero ang truth ay gusto niya lang mapanood si Isaac. She's just being in-denial." maarte niyang saad.
Nilingon ko siya at mahinang hinampas. "Hoy, hindi kaya! Sinungaling ka, Johann." saad ko.
Hindi naman kase totoong gusto kong mapanood si Isaac. Gusto kong pumasok, kase kaya ko naman. Isa pa, wala akong kasama sa bahay dahil nag tra-trabaho si Mama. Atsaka, baka pagalitan pa ako kapag nalaman nilang may sinat ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/319051665-288-k837201.jpg)
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Novela JuvenilShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]