"Sorry na talaga, Poms. I didn't know talaga na it will cause troubles. I just wanted to tease you lang talaga, but it really didn't get on my mind na it will cause you a lot of... you know na yun." Cecelia begged, she even wipe her eyes like there's a tears on it.
"Kaloka ka naman kase, Cece. Magsusulat ka na nga lang doon pa sa ipapasa nating notebook. Gosh! What if si Ma'am nakakita nun? Edi mas lalong napahiya itong si Poms," sabat ni Johann.
Kanina pagdating ko sa room ay wala na si Ma'am. Normal naman nung una, confident na akong hindi nila malalaman ang pagkapahiya ko. Pero talaga nga naman at magulo ang tadhana.
I know that I'm sort of a straight forward person. Pero never akong nag isip ng ikakasakit pisikal ng mga taong nakapaligid saakin. Pero kanina ay halos gusto ko ng sakmalin ang bibig nila Yuzo at Bien na ikwenento ang nangyari sa pagitan ko sa mga Humanista.
"Maybe tangkay is for humanista talaga? Well, it's not that bad! Can't wait for my Humanista!" halatang nang aasar si Annie ng sabihin niya iyon.
Sinubsob ko ang mukha ko sa may desk ng upuan ko at problemadong pumikit. I don't know how will I face Isaac after what happen. Idadasal ko nalang talaga na hindi na uli kami magkaroon ng interaction.
"Sorry na, Poms. I promise, I wouldn't scribble on your notebook again." kulit ni Cecelia.
Nagtaas ako ng tingin sakaniya at tumango. "Okay lang. Just don't do it again,"
Ayoko sa lahat ay pinapakialaman ang gamit ko, lalo na kapag 'di nagpapaalam. But I just can't get mad at Cecelia. She's been nice to me and she's my friend.
Binaba ko ang hawak kong libro at nagmamadaling nilagay iyon sa bag ko. Tumingin ako sa tabi ko at kinalabit si Drew na ngayon ay umiidlip.
Kinalabit ko uli siya bago tumingin sa may pinto ng Cafeteria. It's Monday, kaya naman ay same schedule kami sa mga HUMSS, ibig sabihin na may possibility na makita ako ni Isaacㅡna ngayon ay papunta na sa may gawi namin.
He was wearing our uniform. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya at hindi nakaayos ang necktie nito. May suot din siyang isang makapal na headband na may tatak na Nike. Wala siyang dalang bag, ang tanging bitbit niya lang ay cellphone at panyo.
"Poms? Bakit? Una na ba tayo sa room?"
Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Drew. Lumingon ako sakaniya at nakitang pipikit pikit pa ang mata nito at halatang inaantok pa.
"Huh?" nasambit ko nalang.
Kumunot ang noo niya at pilit na binuksan ang mga mata nito. "Diba kinalabit mo ko? Wala pa ba yung tatlo?"
Umiling ako sakaniya bilang sagot. Kinuha ko ang phone sa may bag ko para I-chat sila Janina kung tapos na ba silang kausapin ni Sir Carnio.
"Pighati para sa kaibigan nating sawi."
"Ouch! Tangkay din pala ang nais. Kawawa ka naman, Isaac."
"Wala na, sad ni si Isaac everyday, every night."
Rinig kong bulungan ng mapadaan sila sa pwesto namin. Halos hindi na ako huminga ng maamoy ang pabango ni Isaac, dahil dumaan ito sa mismong gilid ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng malagpasan ako nito.
"Luh? Galit ba yun sakin?" kamot ulong saad ni Drew habang nakatingin sa likod ni Isaac.
Hindi ko siya sinagot at umiwas lang ng tingin. Hindi ko naman kase nakita ang itsura ni Isaac ng dumaan siya sa may pwesto namin kaya hindi ko masagot ang tanong ni Drew. And why would Isaac be mad at him? Baka naman namamalikmata lang siya.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]