24

102 7 0
                                    

My eyes are hurting while trying to revise my works. Sunod sunod ang ptask na pinapagawa ng teacher namin sa Philo. And it was due on friday, which means this day. Last minute na kaseng binalik nito ang gawa ko dahil may mga typo error daw at kailangan ko iyong ulitin.

I look at the wall clock and saw that it's already 11:38, ibig sabihin ay may 21 minutes nalang ako para ipasa iyon thru link bago mag sara. I wiped the tears in my eyes and continue revising my works.

This month was a draining one. Mula ng first day of school, puro na school works ang pinapagawa. Our class starts at 8 and end at 4. Two hours every subject, kaya naman ay sobrang nakakapagod talaga. Isama mo pa iyong araw araw na activities at quizzes. Pakiramdam ko nga susuko na ang katawan ko anumang oras.

"Love, do you need help, hmm?"

Nag angat ako ng tingin. Muntik ko pang makalimutan na kausap ko pala si Isaac kung hindi pa siya nagsalita.

Nakita ko ang pag lukob ng pag-aalala sa mukha ni Isaac. Napatayo pa ito sa gaming chair niya at kinuha ang phone niya na nakapatong sa study table niya.

"Love, okay ka lang? Shh, pupuntahan kita." taranta niyang saad.

Nanlaki naman ang mata ko at umiling. "Huh? Okay lang ako, Vany. Atsaka, gabi na. Matulog ka na, please."

Narinig ko ang pag bukas sara ng pinto niya. Nakatutok lang sa taas ang phone niya kaya hindi ko makita kong saan siya papunta. Kumurap nalang ako at tinuloy ang pag re-revise ng essay ko.

"Kuya, hey! Hatid mo ko kay Pona, kuya." rinig kong saad niya sa kabilang linya.

Gusto ko mang umangal ay napakamot nalang ako sa ulo ko. Kilala ko si Isaac at alam kong ipipilit niya ang gusto niya. Ayoko rin makipag-talo dahil ilang minuto nalang ay magsasarado na ang link.

Hindi ko na pinansin ang usapan nila. Tumingin ako sa wall clock at halos maihi ako sa kaba ng makitang three minutes nalang. Mabilis kong binasa iyon ay chineck kung may mali pa. Nang masiguradong wala na ay mabilis ko iyong sinend sa link. Nakagat ko nalang ang kuko ko ng makitang loading pa rin ito.

Hindi na ako mapakali sa upuan ko kaya tumayo na ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko dahil nararamdaman kong nanginginig na ang kamay ay binti ko.

"Love, hinga ng malalim. Don't stress yourself too much. Papunta na ako." rinig kong saad ni Isaac sa kabilang linya kasabay ng pag tunog ng isang makina.

Bumibilis ang tibok ng puso ko at bumabagal ang pag hinga ko ng makitang 68 percent palang iyon. Tumingin ako sa wall clock at halos maluha na ako ng makitang isang minuto nalang at magsasarado na ito.

"Pona, relax yourself. Pona,"

Pumikit ako at taimtim na nag dasal. Sa muling pag mulat ko ng mata ay tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko.

"What? PㅡPona, what happen, love? Kuya bilisan mo!" taranta ang boses niyang saad.

Humarap ako sa phone habang patuloy ang agos ng luha sa mga mata ko. Nakita kong mas lalong nag alala si Isaac at halata sa mukha nito ang kaba.

"What the? Over speeding na nga ako, Isaac. Saglit, tangina!" rinig kong sigaw ni Kuya Achi.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at binigyan ng ngiti si Isaac. "Vany, naihabol ko, napasa ko bago mag sara ang link. Ang saya saya ko," pumiyok pa ang boses ko sa huli.

Nakita kong nag bago ang itsura nito. Isaac let out a heavy sigh and smiled. "Damn, love. You made me worried sick," paos ang boses niyang saad.

Kinusot ko ang mata ko at pinunasan ang luha sa mga doon. "Vany," tawag ko sakaniya. He hummed. "Vany, okay na ako. Huwag ka na pumunta rito, alam kong pagod ka." alala kong saad.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon