34

114 6 0
                                    

Time flies so fast. March ended, so, as April. It's already the first week of May. Halos tatlong buwan na rin simula ng umuwi ako ng Pilipinas. At isang buwan na rin ng magkabalikan kami ni Isaac.

Wala namang bago. We're just both busy with our work. Pero kahit ganon ay nakakagawa pa rin kami ng oras para sa isa't-isa. Nakakahanap pa rin kami ng oras para mag-kasama.

"Malapit na birthday nyo ni Isaac, sis. What's your plan ba? May party ba?" Tanong ni Cece ng mailapag niya ang mga dessert sa table namin.

Today is Saturday. Sumakto ring parehas ang schedule naming lahat ngayon, kaya we decided to hang out together. Minsan nalang din kaming mag-kasama. Kung wala mang okasyon, minsan kapag pare-parehas kami ng free time. Pero minsan nalang yun.

Kinuha ko ang iced coffee at sumimsim doon. "He said, he wanted to celebrate our birthday together, sa mismong birthday niya. Kaya I agreed, since nung last time, sinabay niya ang celebration ng birthday niya sa birthday ko. So, maybe sa mismong birthday ko, doon nalang tayo lumabas. If you're free lang naman."

Tumango si Cece at umupo sa harap ko. Lumingon ako kay Drew ng sumigaw ito. Nakita kong naglalaro namaman siya ng online games kaya napailing nalang ako. Hanggang ngayon talaga, oh.

"Sis, wala ba kayong orange cake dito na hugis apple?"

Napalingon ako kay Janina dahil sa tanong niya. Orange cake pero hugis apple? Huh?

"Gaga sis, anong orange cake? As in yung orange na cake o orange na kulay ng cake?" takhang tanong ni Johann, mukhang naguguluhan din.

Janina snorted. "Orange cake nga na hugis apple." She sound frustrated. "Gusto ko ng ganon ngayon na. Pagawa ka."

I just watch them argue. Janina's been weird since last week that we met. E, pinabili ba naman niya ako ng liver spread tapos nilagay niya sa halo-halo niya. That's very disgusting, I still remember it's color. It's look like a poop, ew.

My forehead creased when she suddenly cry. Mukhang nagulat din sila Cece at kahit si Drew na naglalaro ay napatigil din. Janina is crying while pouting like a child. She's also glaring at Johann.

"Isusumbong ko kayo kay Keight!" parang bata niyang saad.

Naguguluhan akong nakatingin sakaniya dahil sa inaakto niya. Until I realize something. Last time, she asked me if is it normal to not have her menstruation, pero regular naman siya. And then, she's been wanting foods that is very weird. Is sheㅡ

"Janina, did you already have your period?" I asked her.

They all look at me, confused. Nakanguso pa rin si Janina pero umiling ito saakin. "Wala pa. Delayed nga ako ngayon, diba sabi ko sayo. Hindi ka rin nakikinig, e." she said and started to cry again.

A small smile was plastered on my face. "Did you have sex with Keight?" I boldly said.

Binato ako ng tissue ni Cece, kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What the heck, Poms! Oh my gash! Bastos ka!" ngiti niyang saad.

Janin nooded. "Syempre, mag-asawa kami, e. Ano ba yang tanong mo." she answered.

Nakangiti akong pumalakpak. Cece, Johann, and Janina look so confused, while Drew already get the hint. Nabitwan niya pa nga ang phone niya, e.

"Gago, Jan. Buntis ka!" sigaw niya.

I laughed hard when i saw how shock they are. Ang kaninang umiiyak na si Janina ay biglang natigilan.

Gulat na tumingin si Cece sa tulalang si Janina at inalog ang balikat nito. "Omg, sis! You need to do PT. Kyah, I'll be a ninang na!" tili nito.

Tumayo si Johann na mukhang gulat parin. "Bibili ako ng PT, sis. Lima ang bibilhin ko para sure!" excited nitong saad. "Let's go, Drew! Samahan mo ko." ngiting saad nito at hinila na paalis ang katabi kong gulat pa rin.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon