14

189 9 0
                                    

I stretched my arm and yawned when I woke up. Kinapa ko ang phone ko sa may lamesa at agad na binuksan iyon. Nakita kong ala-syete na ng umaga kaya't tumayo na ako.

Mamayang alas-nuwebe mag-uumpisa ang kalutan ed Unibersidad de Alfonso. At mamayang gabi naman ang band concert. Mag uumpisa ito ng ala-sais at magtatapos ng alas-onse ng gabi.

Nakapagpapaalam na ako at sabi naman ni Isaac ay ihahatid niya ako hanggang sa bahay. Kaya wala na rin akong problema.

Kumuha ako ng damit sa may cabinet. Nilagay ko sa bag ko ang isang dress at sandals. Sakto rin namang pupunta raw kami kila Johann, para magpalipas ng oras, kaya't makikiligo nalang ako roon. Ayoko namang mag-amoy inihaw kasama si Isaac, nakakahiya.

Mabilis akong pumasok sa CR at naligo. Isang simpleng mom-jeans at crop-top lang ang sinuot ko. Papatungan ko rin naman iyon ng jacket, kaya't ayos lang.

Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng bahay. Naglakad ako papunta ng palengke at ng makarating doon ay bumili lang ako saglit ng paracetamol sa may mercury.

Kinapa ko ang phone ko ng mag ring iyon. Nang tignan ko kung sino iyon ay nakita ko ang pangalan ni Johann.

"Hello?"

[Hi! Where na u?]

Binigay ko ang bayad ko at nagpasalamat.

"Papunta na, bakit?"

Naglakad ako papunta sa may sakayan habang kausap si Johann.

[Wala. Here na kami, wait ka namin sa roomㅡay, andito si Isaac... Isaac say hi!]

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan niya.

[Hi, crush!] masigla ang boses niyang saad. [Ingat ka papunta sakinㅡeste papunta dito.]

Isang ngiti ang pumaskil sa labi ko ng marinig ang boses niya. "Bye." ngiti ngiting paalam ko at pinatay ang tawag.

Nilagay ko na ang phone sa may bulsa ng pantalon ko at sumakay na ng tricycle. Hindi naman naging matagal ang paghihintay namin ng ibang pasahero dahil saktong may dalawang mag jowa ang sumakay papunta ng TC.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako ng UA. Nag bayad lang ako ng trenta, medyo napamahal pero ayos lang kaysa naman malate ako.

Tinap ko ang ID ko sa may scanner at pumasok na. Dumeritso ako ng STEM building, may mga ibang STEM student pa akong nadaan, mukhang problemado ang mga ito dahil sa itsura nilang hindi mapakali.

I shrugged and went upstairs. Nang makarating ako sa third floor ay agad ako gumilid ng makitang patakbo sa gawi ko si Rike na mukhang problemado. Kasama nito ang ibang officers namin.

Anong nangyayari? Bakit parang problemado silang lahat?

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makababa sila. Kunot ang noo kong naglakad papunta sa room. Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko ng nasa gilid sila Johann, kasama si Yuzo, Arch at Eron.

Arch gaze went on me. "Umalis na si Isaac." mababa ang boses niyang saad.

Tumango lang ako, hindi magawang manghinayang dahil ang isip ko ay sa nasaksihan kanina.

Nilibot ko ang paningin ko sa room at nakita kong iilan lang kaming narito ngayon. "Anong nangyayari? Bakit mukhang problemado sila Rike at yung ibang mga section?" tanong ko at naglakad palapit kay Janina.

"Nagsabunutan daw yung ibang STEM, HE at HUMSS, sa may field." sagot ni Yuzo.

"Huh? Bakit daw?" takha kong tanong.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon