20

149 9 0
                                    

Second quarter examination went well. December came and I can already say that Christmas is approaching.

"Saan ngayon ang Christmas vacation nyo?" tanong ni Cece habang busy siya sa sketch pad niya.

Naramdaman kong sumandal sa balikat ko si Isaac kaya umayos ako ng upo.

"House lang." sagot ni Johann.

"We will go to baguio, diba Drew?" tanong ni Janina.

Lumingon ako kay Drew at nakitang busy itong naglalaro sa phone niya. He didn't utter a word, he just nood.

"Kayo? Poms, Isaac?"

Nagbaba ako ng tingin kay Isaac. Lumingon din siya saakin kaya bahagyang nag brush ang buhok nito sa may pisngi ko. Lumingon ako kila Johann.

"Wala. Sa bahay lang ako, ewan ko kay Isaac." turo ko sa katabi.

Para akong nakahinga ng maluwag ng umalis siya sa pagkaka-dantay saakin. Umayos siya ng upo at inayos ang telang headband na suot.

"Well go to Vegas, pero baka magpaiwan ako. Gusto ko I-celebrate yung Christmas kasama si Pona!" he said.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito. Narinig ko ang mahinang pag singhap at tili ng mga kaibigan ko dahil sa narinig.

"Ay grabe na talaga ang mga ferson!" tili ni Johann. "Mahaharot ang ferson for today's video." dagdag niya at ginaya pa ang pagkasabi nung nagpa-uso nun.

Imbes na ngumiwi ay napatawa nalang ako dahil sa kalokohan niya. Sa sobrang kaadikan niya sa Tiktok, hindi na ako nagugulat na updated siya sa mga trend, kahit sa mga tsimiss.

Naramdaman ko ang kamay ni Isaac sa may likuran ko. Patagilid akong lumingon sakaniya, habang pinapakinggan pa rin ang usapan nila ng apat.

He lean towards me. I shrivered when he lightly blow on my ear. "Date tayo, Pona." he whispered.

I push him. Mahina ko siyang kinurot sa braso habang kunot ang noo ko. "Ang ano mo talaga. Wag mo ngang ihipan tenga ko, nakakakiliti kaya." bulong ko rin sakaniya, ayaw iparinig sa mga kasama.

He snorted. "Date na tayoㅡHiramin ko muna si Pona, mag d-date kami, hah." lingon niyang saad sa mga kaibigan ko.

Napakamot nalang ako sa pisngi ko dahil paniguradong wala na akong magagawa dahil ipinaalam niya na ako sa apat.

"Sureball! Enjoy sa date nyo!" sabay sabay nilang saad, maliban kay Drew na tumango lang.

Hinila ako patayo ni Isaac. Kinuha niya ang parehong bag namin at siya na mismo ang nag dala nun.

"Mga bugaw!" saad ko sa mga kaibigan.

Tumawa lang sila at sinenyasan kaming umalis na. Binelatan ko lang sila bago ako nag pahila ng tuluyan palabas ng room.

"Hanggang kiss lang, hah! Bawal muna ang base base!" tumatawang sigaw ni Johann ng tuluyan kaming lumabas ng room.

Anong base? At anong kiss?! Walang kiss na mangyayari! Baka i-kiskis ko nguso niya sa pader.

"Oh? Bakit ka namumula, Pona? Iniisip mo yung kiss 'noh?" nanlalaki ang mata ko sa gulat na lumingon kay Isaac. "Gusto mo ng kiss ko?" nang aasar niyang saad at ngumuso pa.

Mahina ko siyang sinipa sa may hita. Napahawak ako sa mukha ko ng maramdaman ang init ng pamumula ng mga pisngi ko.

"Kadiri ka, Isaac!"

"Anong kadiri doon? Sus, kiss kita diyan, e."

I bit my lower lip and stop myself from hitting him. Ang tuso niya, nakakainis! Hindi pa nga kami pero puro na kiss ang nasa isip niya. Isa pa si Johann, bakit niya pa kase sinabi 'yon.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon