The sport fest started. Halos ingay ng bawat estudyante lang ang maririnig sa buong gymnasium. Bawat strand ay may kanya kanyang cheer. At bawat strand ay may kanya kanyang props na siyang iwinawagay para ipakita ang suporta sa bawat manlalaro.
"Give me an S, give me an T, give me an E, give me an M! Science, Technology, Engineering, Mathematics! Gooo STEM! Go Mighty Chondria!" cheer nila.
Winagayway ko lang ang ballons, dahil hindi ko naman alam kung paano iyong cheer ng strand namin. Napatakip ako sa tainga ng malakas na tumili si Johann, pagpasok palang ng mga players sa men's volleyball.
"Terran ang gwapo mo! Adam panindigan mo ang anak natin! Ah!"
Tumawa ako ng sampalin ni Cece ang bibig ni Johann. Tumingin muli ako sa may baba at nakitang papasok na si Yuzo, Warren at Harvey, na mga kaklase namin.
"Go Yuzo, War and Harv!" sigaw ng buong section namin, na kahit ako ay nakisama.
Tumingin silang tatlo sa gawi ng section namin at parang kandidato na kumaway. Malakas na tili ang ibinigay ng ibang strand ng biglang humarap sila Yuzo sakanila sabay kindat at kagat labi.
"Malandi ka, Yuzo!" birong sigaw ng ilan sa mga classmates namin.
Humagalpak ako ng makitang sumimangot ito at tumingin sa mga kasama na parang nagsusumbong. The tall guy from STEM 3, tapped his shoulders and whispered something. Yuzo look shocked that he immediately turn his eyes on the crowd, parang may hinahanap. Nang huminto ang tingin niya saamin ay agad itong namula. Huh?
"Omg! Is that Stevan from HUMSS?" tinignan ko ang itinuro ni Cece.
Lumingon ako kay Cece at tinignan ang tinuturo nito. Tinitigan ko iyong mabuti at nang makitang iyon yung kaibigan ni Isaac ay napairap nalang ako. Ang yabang niya. Well, gwapo nga naman siya.
"Hala! Omg! He wink at me! I'm gonna die, bitches." Johann said dramatically, umakto pa itong mahihimatay kaya't sinalo siya ni Drew.
Tumingin uli ako roon at nakitang kumakaway iyong Stevan habang nag f-flying kiss. Napailing nalang ako at lumingon sa gawi nila Yuzo. Halos matawa ako ng makitang seryoso na ito habang nag I-stretching.
Kinalabit ko si Cece at tinuro si Yuzo. "Ang feeling ni Yuzo. Tapos bangko lang naman pala mamaya." tawa kong saad.
Tumawa rin si Cece at mahina akong hinampas. "Go Yuzo! Itaas mo ang bandera ng STEM 1!" sigaw niya.
Yuzo look at us and give us a thumbs up. Nag-apir kami ni Cece at malakas na tumawa. Natapos na ipakilala ang mga players sa boys kaya't sa girls naman ang sunod.
Halos mabasag na ang eardrum ko sa sigaw ni Drew at Johann, isama mo pa si Cece ng lumabas si Janina. Winagayway ko ang ballon at sumama rin sa pagsigaw ng pangalan ni Janina.
"Tangina, ang ganda mo Janina!" sigaw ni Drew.
"Sissy, palit tayo ng damit! Mas bagay sa porselana kong feslak ang damit mo!" mahina kong siniko si Johann.
Tinulak niya rin ako at hindi pinansin. Lumingon ako kay Drew at nakitang seryoso siyang kinukuhanan ng video si Janina. Napangiti nalang ako at umiling.
Humarap muli ako at ganon nalang ang gulat ko ng magtama ang mata namin ni Isaac. He was standing in front of me, mas mababa man ang pinapatungan niya ay hindi parin naging sapat iyon para matangkadan ko siya.
My jaw drop while looking at him. He was wearing our uniform. May kulay yellow din siyang bandana sa ulo at may pahabang guhit din sa pisngi niya, na sa tingin ko ay pintura.
"Hi!" masigla niyang bati.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may inabot na siyang Gatorade saakin. Umawang ang bibig ko at hindi alam ang sasabihin. May mga naririnig na rin akong bulungan sa paligid, at ang mahihinang tili nila Johann.
![](https://img.wattpad.com/cover/319051665-288-k837201.jpg)
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]