Life start once you entered the early adulthood. That's when you start building yourself, reaching your goals, and setting your priorities in life. Dito mag-uumpisa ang pagkakaroon mo ng sariling disesyon sa buhay. Kung saan, mismong sarili mo na ang aasahan mo sa mga bagay bagay.
If I'll be honest, i was so afraid at first. Pinapangunahan na ako ng takot at kaba. Iniisip ko, pano kapag hindi ko nakuha yung mga bagay na gusto ko? Pano kapag mali yung mga disesyon ko sa buhay? Pano kapag pumalpak ako? Anong mangyayari saakin?
But then, when i stepped into adulthood. That's when I realize, wala palang bagay na perpekto. Walang bagay na hindi mahirap kunin. Na dapat hindi ka matakot pumalpak, dahil parte iyon ng buhay natin. Parte iyon ng libro natin.
***
"I miss you, ante!"
Malawak akong ngumiti ng sabihin iyon ni Andy. It's early in the morning, at bumungad agad ang tawag ni Andy saakin.
"I miss you too! Tagal mong walang paramdam, ha." kunwaring nagtatampo kong saad.
Andy laugh and flip his hair. "Tanga, lumandi kase ako." tawa niyang saad. "Ay sis, may chika ako. Wag ka ng magulat kase maganda naman talaga ako kaya walang kataka-taka."
I raised my brows. "Defensive mo, uy."
"Duh," he rolled his eyes. "Pero sis, kami na ni Louis. Wala ka sa ganda ko!" Umakto akong nagulat kaya umirap ito. "Nakakabwesit yang reaction mo, girl." sarkastiko niyang turan.
Tumawa ako. "Sira, I already know it kase. Panay my day at post ka ba naman sa picture niyo. May lock pa yung caption. Jeje!" pang-aasar ko rito.
"Ito, just say thank you at malapit na ang birthday mong, girlalu ka." irap niya saakin.
Nangalumbaba ako at humikab. "I wish you were here. Gusto ka rin makilala nung mga kaibigan ko, e."
Andy pouted and sigh. "Girl, kung kaya ko lang talaga mag teleport dyan ginawa ko na." Ani niya. "Ay girl, alam mo ba. Hinahanap ka ni Mrs. Johnson saakin. Tinanong niya ako bakit hindi na raw kita kasama. Edi syempre napa-kwento ako, accla. Then Mrs. Johnson said, sayang daw at hindi mo na matitikman iyong bagong recipe niya."
Medyo nalungkot naman ako ng marinig ang sinabi ni Andy. Well, I kinda miss going to Bizim. Nakakamiss din ang Auburn, ang Australia. Iyong midnight gala namin ni Andy. Yung mga kalokohan niya. Lahat.
Pero kaseㅡsa Pilipinas talaga ang bahay ko, e. Masaya ako sa Australia, pero iba yung saya ko rito sa Pinas.
"Just tell Mrs. Johnson that i miss her. And someday, I'll visit her there." Ani ko kay Andy.
Hindi na rin nag-tagal ang usapan namin dahil may pupuntahan din ito. Nang mamatay ang tawag ay humiga muli ako sa kama at pinagkatitigan ang kisame.
Well, at least I feel at ease now. Ngayong alam kong mag mag-aalaga na kay Andy, masaya ako. Dr. Louis is a good man, alam kong aalagan niya ang kaibigan ko at hindi sasaktan. Natatakot nga ako na baka si Andy pa ang manakit sakaniya, e. Lol.
I sighed and get up. Inayos ko lang ang kama ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sa may first floor. Pagbaba ko ay nakita ko si Papa na nakaupo sa may sala. Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/319051665-288-k837201.jpg)
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]