I'd like to dedicate this chapter to _rorrrrrrr!
Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito. I gently massage it while trying to answer the math problem, given to us.
It's Friday at walang pasok ngayon dahil sa bagyo. Two days na ang makalipas simula ng na suspend ang klase. At two days na ring puro activities ang mga ginagawa ko. Tinambakan kase kami ng mga subject teachers namin, lalo na sa OC.
"Oh, Pona. Nakapagluto na ako roon, kumain ka nalang. Nag iwan din pala ako ng pera sa may taas ng ref, mag grocery ka sa San Carlos, tutal ay hindi naman na maulan masyado. Aalis muna ako dahil nagpapalaba si lola mo, sayang naman ang kikitain."
Lumingon ako sa may pintuan ng kwarto ko. Nakita kong nandoon si Mama habang may dala dala itong basket.
"Sige po, Ma. Ingat kayo," sagot ko nalang at bumalik na muli sa pagsasagot.
Hindi naman ganon umuula tuwing umaga. Pero tuwing tanghali hanggang gabi ay sobrang lakas ng ulan, samahan mo pang malakas ang hangin, kulog at kidlat.
Isang beses kong sinubukan muling sagutan ang math problem at ng hindi parin makuha ang tamang sagot ay niligpit ko na ang gamit ko. Tumingin ako sa may wall clock ng kwarto ko at nakitang alas-diez na ng umaga.
Mag g-grocery pa pala ako. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad ako palapit sa may bintana para tignan ang langit. It's gloomy. Umaambon din at mahangin.
Nag buntong hininga nalang ako at kumuha ng damit at tuwalya sa cabinet. Mabilisang pagligo lang ang ginawa ko, dahil alam kong mababasa rin ako mamaya ng ulan. Sa kulay palang ng langit ay halatang magbabagsak ito ng mabibigat na patak ng ulan mamaya. Sana lang talaga ay hindi ako maabutan, ang hassle kase lalo na ang mag c-commute lang ako.
Isang plain v-neck black shirt ang suot ko at ripped jeans. Hinayaan kong nakalugay ang hanggang baywang kong buhok. I also put some liptint and powder, so I wouldn't look haggard.
Kinuha ko ang back pack ko at nilagay doon ang wallet, phone payong at panyo. Good thing at leather ang nabili kong bag, kaya naman ay paniguradong hindi mababasa ang mga gamit ko.
Lumabas na ako ng kwarto. Kinuha ko sa may shoe rack ang sandals ko at sinuot iyon. Chineck ko muna ang bahay kong may nakasaksak na at ng makitang wala naman na ay tuluyan na akong lumabas at nilock ang pintuan ng bahay.
Naglakad lang ako papunta ng palengke. Halos 20 minutes din ng makarating ako. Sakto namang may humintong jeep kaya't hindi na ako naghintay pa.
"Ang pogi talaga ni Mohan. Swerte nung mga taga UA."
"Kaya nga, e. Kung matalino lang ako, sana nakapasa ako sa scholarship. Kaso ang hirap naman kase ng mga question. Hassle. Kung hindi logic, math naman o science."
Umusog ako sa may bandang gilid ng may sumakay muli. Pasimple akong napatingin doon sa dalawang babae na naguusap.
"Dami ngang shawty sa UA. Lalo na raw sa STEM ngayon, sabi nung pinsan ko. Popogi raw nung mga lalaki."
"E, parang lahat naman ng nandoon pogi syaka maganda."
Napanguso ako at umiwas ng tingin. She's definitely wrong. But maybe 60% of students their are literally good-looking. And those remaining 40% are for those average looking and not so-so in the line. And I'm on that 40%, not so-so in the line.
Humugot ako ng pera sa wallet ko. Sakto namang may buo akong bente, kaya't iyon nalang ang kinuha ko.
"Kuya, pasuyo naman po. Paaㅡ"
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]