15

169 9 4
                                    

I dedicate this chap to _rorrrrrrr!

"I'mㅡwe're so disappointed with you. STEM student kayo, you should be the role model of this school. Pero nakipag away kayo, nakipag sabunutan ang iba sainyo. STEM kayo. Malaki ang expectation sainyo ng mga teachers, guidance counselor, principal, even most of the students. Nakakahiya STEM." sermon ni Mrs. Cordova, ang teacher namin sa RWS.

Matapos ng isang linggong kasiyahan, ay ang pagbabalik ng stress namin. Monday na monday pero sermon agad ang bungad saamin.

"Get one whole sheet of paper. Write an 1k word essay. Isulat nyo roon kung anong kahalagahan ng K-12 program at ang kahalagahan ng strand nyo. Full english. Mr. Rike collect the paper on time." saad nito at lumabas ng room.

I left out a heavy sigh. Wala akong nagawa kundi kumuha ng papel at ballpen sa bag.

I already had an idea what will happen, but it's still got me. Minsan  hindi ko maiwasang ang unfair ng turing saamin ng mga teachers, kahit ng ibang mga estudyante.

Teachers expected us to be the students role model. While most of the students saw us an teacher's pet, sipsip, mayabang, boring etc. Lagi nilang iniisip na puro kami talino, na kami ang paborito. But we're not.

One time, I heared some students talking shit about us. Na puro lang naman daw kami yabang. Na kaya lang kami paborito kase matatalino kami at mga uto-uto sa teachers. Na baka raw kahit katangahan na ay gagawin padin namin para makakuha ng mataas na grades. Na mga grade conscious daw kami.

Hindi ko alam kung anong mali sa pagiging grade conscious. What's wrong with that? And why do they care? Being grade conscious isn't a curse.

So what if we're grade conscious? Ano kung ayaw namin ng mababang grades? Masama ba 'yun? I can't find anything wrong about it. What's wrong if we seek a high grades? Kami naman ang mag hihirap at hindi sila. Kami naman ang may gusto nun at hindi sila.

Hindi ko alam kung bakit ganon ang turing saamin ng iba. We're also students. Estudyante lang din naman kami na gustong matuto. Estudyante lang din kami na nahihirapan at napapagod.

Saktong may tatlong minuto pa ng matapos ko ang essay. Sinakto kong 1k words iyon dahil ayaw kong mapagalitan ako ni Ma'am. Chineck ko lang ang spelling at grammar ko at nang maayos na ay pinasa ko na iyon kay Rike.

Vacant na namin hanggang ala-una. So, we decided to eat outside. Hindi rin naman ako makatanggi dahil masyado akong kinukulit nila Johann. Ang sabi nila ay libre naman daw ni Drew, kaya wala dapat akong ikabahala.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at binuksan ang data. Nakita kong may chat si Isaac kaya't binuksan ko 'yun.

Isaac:
hi lodi ko

Isaac:
isang' good morning' naman
dyan, lods
#noticemeplease
#PoSacLangSapatNa
#PoSacLoveTeam

Nasapo ko ang noo ko dahil sa message ni Isaac. Anong PoSac? Ang weird naman pakinggan.

Me:
tumigil ka, Isaac.

Me:
ang weirdo ng PoSac mo

"Pomona, let's go na! Tama na iyang harot mo."

Pinatay ko ang phone ko. Sinukbit ko ang bag ko sa magkabilang balikat ko at lumapit kila Cece.

"Wala ng class mamaya. May meeting mga Teachers. Where to go tayo?" tsimiss ni Cece.

"Sa true ba? Mamaya eme mo lang 'yan, Cece, hah." lintaya ni Johann na busy sa paglalagay ng liptint sa labi niya.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon