18

160 7 0
                                    

Ilang beses kong inuntog ang sarili ko sa may unan ng muling maalala ang sinabi saakin ni Isaac nung nakaraang araw.

Hah! Nakakainis! Bakit sobrang kinikilig ako! Hindi ako sanay!

Tumunog ang phone ko kaya't mabilis ko iyong kinuha. Malaki ang mukha kong binuksan iyon ngunit ng makitang si Drew ang nag message sa may gc ay napasimangot nalang ako.

Tinignan ko ang account ni Isaac at nakitang hindi pa ito online. Dismayado kong pinatay ang phone ko at humiga nalang sa may kama sabay pinulupot sa buong katawan ko ang kumot.

Sobrang lamig ngayon dahil ilang araw ng tuloy tuloy ang ulan. Baha na nga sa may labas ng bahay, kaya't hindi rin ako makalabas. Isa pa, ang lakas din ng hangin kaya ang ibang mga puno sa may kalsada ay bumigay na at natumba.

Wala rin naman si Mama, dahil hindi sila makauwi dahil sa lakas ng ulan. Nasa Dagupan din kase sila, sa bahay ng katrabaho niya dahil na stranded daw sila roon ng iba niyang mga katrabaho. Ang lalim na rin ng baha sa may Dagupan kaya naman ay wala na halos bumabyaheng pampasaherong sasakyan.

Umikot ako sa may kama habang hinihintay ang chat ni Isaac. Nang tumunog ang phone ko ay kinuha ko iyon. Mahina akong napatili ng makitang si Isaac na iyon.

Ngunit agad din akong napatigil ng may mapagtanto. This is not so me. Ni noon nga ay hindi ko makita ang sarili ko na maghintay sa chat o message ng isang lalaki. Pero ngayon bakit ganito? Dati naman ay wala akong pakialam, pero bakit ngayon meron na? Ganito ba talaga kapag nagkagusto ka? Kakayanin mong kainin lahat ng salita mo.

I let out a heavy sigh and put my phone down. Tumingala ako sa kisame.

Time fly pass. Hindi ko manlang namalayan na malapit ng matapos ang first sem namin. At hindi ko namalayan na ilang buwan na rin pala mula ng magkaroon ako ng matatawag kong kaibigan.

I used being alone. Wala akong pake sa paligid ko. Tahimik ang buhay ko. But unexpected things really happen.  Hindi ko akalain na sa pagiging SHS student ko ay may makikilala akong mga kaibigan. I didn't neither expect to meet Isaac, lalo na at hindi naman siya STEM student.

Though, wala naman akong pinagsisihan sa mga iyon. Nagpapasalamat pa nga ako. Because of them, because of what happen. I started to build my confidence up. Napansin kong malaki ang naging pinagbago ko, except lang talaga sa pagiging straight forward kong tao. Pero all in all, may nagbago naman saakin.

Kinuha ko muli ang phone ko at tinignan ang chat niya.

Isaac:
sent a photo.

hi miss. Tulog pa ang iyong
bebe boy ahahahaha!

Mahina akong napatawa ng makitang si Isaac iyon na natutulog, habang ang mga kaibigan niya ay busy sa pag drawing ng kung ano sa mukha nito.

Umiling nalang ako at hindi nag reply. Binuksan ko nalang ang gc namin at nakitang nag uusap iyong apat.

Cece:
HAHAHA ang gago ng name
ni Isaac sa Twitter

Janina:
omg ka hah! HSHSHS

Johann:
@Nia jusko ang friends ng
iyong bebeluvs

Drew:
sent a photo.

Kunot noo kong binuksan ang picture na sinend ni Drew. Halos masamid ako ng makita kung ano iyon.

Isaac @SacMePapi

hi! welcome to SacMePapi world ahahaha

Isaac @SacMePapi

sige, matulog ka lang hahaha

Binasa ko isa isa ang comment at natawa nalang ako ng makita ang usapan ng mga barkada niya. Nakita ko pa nga ang account ni Arch doon.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon