Exam came so as the preparation for Festival deportivo. Busy ang lahat sa exam ngayon, tahimik, seryoso, nakakakaba.
Hindi katulad ng Junior High, mahirap magkopyahan, dahil hinati sa dalawa ang klase namin. 20 sa umaga at 20 sa tanghali. May dalawang teacher din ang nakabantay sa magkabilang sulok ng classroom kaya't walang nagtatangkang komopya. Sa tingin ko rin naman ay hindi na nila gagawin iyon, dahil magkakasundo man ang lahat, hindi parin maiiwasan ang pagiging competitive sa isa't isa.
First day ng exam at sobrang stressing na agad. Nauna naming ni-exam ang Kumunikasyon, Oral Com, UCSP at PE. Samantalang bukas at ang Gen Math, RWS at EAS. At ang huli ay ang specialize subject namin sa first sem, which is Gen Bio 1 at Pre Cal.
"Five minutes left."
Pinalobo ko ang pisngi ko at pilit na Iniisip ang mga nireview ko. Nasa part four na ako ng exam, identification, at medyo nahihirapan na rin ako dahil nakakalito ang bawat tanong sa USCP. Isama pang naghahalo na ang mga subjects sa utak ko, kaya mas lalo pa akong nahihirapan.
Mabilis kong sinagutan ang natitirang question sa likod. Hay, bahala na talaga. It's okay if I get 65 above, mas okay na 'yon kaysa sa 60 below.
Tumunog ang alarm at kasabay nun ay ang pagtatapos ko sa pagsusulat. I handed my test paper to my classmate and put my ballpen back on my bag. It was our last exam for this day.
Iniisip ko palang ang mga sagot ko doon ay halos mapailing na ako. Ang sure akong perfect ko dun ay ang Part 1 at 3, samantalang sa Part 2 naman ay hindi ako sigurado sa ibang sagot ko, mas lalo naman sa Part 4. If I estimate it all, siguro nakakuha rin ako ng 65 above. But it was just my conclusion though.
Tumayo na ako ng upuan ko at agad na pumunta sa pwesto nila Janina.
"I think yung answer talaga sa number 5 ay Social Culture," Drew mumbled.
Humarap si Cece sakaniya at mahina siyang hinampas sa ulo. "Tanga! Muntik na 'yang answer mo no? It's social political and economic. The answer is already highlighted on the question a social science dealing with political policies and economic processesㅡ gosh!"
Oh? Social Political and economic ang sagot ko sa number 5! Yes, it's correct!
"Weh? I thought it's socio-cultural! Oh no, andami ko ng wrong answer! Baka bumagsak ako, sissy!" naiiyak na saad ni Johann at niyugyog ang balikat ni Cece.
Malakas na hinampas ni Cece si Johann kaya nag-umpisa ng magbawian ito. Napailing nalang ako habang pinapanood sila.
"Poms, samahan mo naman ako sa LRC. I need to pass my notes kay Sir. Harold kase," Janina held onto my arms ang pulled me away, hindi manlang hinintay ang sagot ko.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad. "Bakit ngayon mo lang kase ipapasa 'yang notes mo? Last week pa last passing, ah? May minus 2 kana." intriga ko.
Janina shrugged. "I have reasons naman. And I already told Sir. Harold about it, sabi naman niya okay lang kase na-excuse na ako nila daddy."
Tumango nalang ako at hindi sumagot. Well, the previlage.
We walk towards the LRC main building. Sobrang daldal at ingay ni Janina habang naglalakad kami, kaya ang ibang estudyante ay napapalingon saamin.
"Hay, I really hate Drew that time. Ang assumero niya kase! I mean, duh, he's just jealous, hindi niya nalang i-admit." maktol niya.
"Alam mo, kunti nalang iisipin ko na rin na may something sainyo ni Drew."
Pano ba naman, parang walang oras o minuto na hindi niya binabanggit o sinisingit si Drew sa usapan. Para ngang hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi niya nabanggit ang word na Drew.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Teen FictionShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]