01

369 13 1
                                    

Facing your fears is considered as an biggest achievement.

Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Nakatitig lang ako sa may gate ng papasukan kong eskwelahan.

Universidad of (de) Alfonso. An exclusive private school, located at San Carlos Pangasinan. It is one of the few universities that received an Philippine Quality Award (PQA) Level 3 or Recognition for Mastery Quality Management for providing quality service to stakeholders, last year.

Hindi na ako nagtaka ng makitang marami ang mga estudyanteng pumapasok. Ngunit sobra ang naging gulat ko ng hindi inaasahang mas marami pala kaming mga estudyante ng UA, kaysa sa inaasahan ko.

Malalim akong bumuntong hininga bago napagpasyahang sumabay sa mga ibang estudyante na papasok ng gate. The guard greeted us with a smile on their faces. Welcoming us on our new journey.

The breeze of the wind brushes on my skin as I entered the place. Huminto ako sa may bandang gilid at pinagmasdan ang bawat estudyanteng naglalakad papunta ng gymnasium, kung saan gaganapin ang unang flag ceremony.

There are some familiar faces, mga naging kaklase at ka-schoolmates ko sa dati kong eskwelahan. It was nice seeing someone you've know here at least.

Inayos ko ang necktie na sa suot bago naglakad papunta ng gymnasium. Mabuti nalang din at may mga nag a-assist na staff sa katulad naming mga bagong students, kaya't hindi na kami mawawala o mahihirapang mag hanap ng mga lugar.

Agad na lumukob ang ingay sa tenga ko pagtapak ko palang sa entrance ng gym. Nilibot ko ang paningin ko at halos malula ako sa dami ng mga estudyanteng naroon. Abot abot ang tahip ng dibdib ko habang tahimik na naglalakad para maghanap ng mauupuan.

"Para ka namang tangina, Zeus!"

"Ulol! Totoo naman kaseng maghahanap ka lang ng maganda rito. Kaya nga sa HUMSS ka diba? Kase alam mong maraming magandang babae, bobo!"

Nang makakita ng bakanteng pwesto ay agad akong nagtungo papunta roon. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapunta roon ay may isang tao ang bumunggo saakin. Napaatras ako at muntik ng matumba kung hindi lang ako nakakapit sa may bakal.

"Hala! Lagot ka, Isaac!" rinig kong asar sakaniya ng nga kasama niya.

I let out a sigh and compose myself. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko bago inayos ang bahagyang nagusot na damit ko.

"Ulol! Ikaw nanulak saakin diyan," inis na saad noong lalaki. "Sorry, Miss. Tinulak kase ako nungㅡ"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng daanan ko siya at hindi pinansin o tinignan manlang. I know that I acted rude but I don't have time for his half-baked sorry.

"Sungit mo naman, Miss. Buti nalang cute ka," rinig kong saad niya.

Napapikit ako at umakyat ng bleachers. Narinig ko pa ang mga asar sakaniya at ang tawa ng mga kaibigan niya. Napansin ko rin na may ibang mga babae na nakatingin saakin ng masama. I just shrugged and sit at the corner.

Nang maayos akong makaupo ay nilagay ko ang bag ko sa may lap ko. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumako iyon sa may baba ng bleachers. Kumunot ang noo ko ng makitang nakatingin saakin ang pares ng mata ng isang lalaki.

He was tall, bet his 6'1. He has a fair skin. And his hair is curly. I can't see his face clearly dahil narin sa medyo malabo ang mata ko. But as i hear the girls reaction besides me, I can tell that he's handsome.

"He's looking at me, gosh. Is my face okay, Claire?"

"Ahm, yes. But I guess he's not actually looking at you. He's looking at the girl besides you, Flora."

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon