16

166 11 0
                                    

"What happen, Poms?"

Humiga ako pagilid. Kausap ko sa vc ngayon sila Cece. Saturday ngayon kaya naman ay walang pasok.

"Ewan ko. Siya tanungin nyo," saad ko.

Siya tanungin nyo. Siya naman ang may issue at hindi ako. Kung may nililigawan pala siya, bakit niya pa ako ginugulo? Kung hindi ba naman siya isang gago.

Agad akong nagpaalam kila Janina, sinabi kong tawag na ako ni Mama at may pinapagawa ito, kahit na ang totoo'y ako lang ang mag isa sa bahay. Alam ko kaseng mangungulit sila ng mangungulit saakin, wala ako sa mood.

Nag bukas nalang ako ng twitter. Bumungad saakin ang post ni Isaac. Hindi ko siya pina-follow, sadyang napadaan lang dahil ni-like iyon nila Johann.

Isaac @imaddictedtoapple

sakit pala ma block

Napairap nalang ako. Plastik.

Pinindot ko ang account niya at nakitang napakadami nitong post.

Isaac @imaddictedtoapple

sige na please wag ng mainis bumalik ka na sakin

Isaac @imaddictedtoapple

sakit mo namang mansanas ka

Isaac @imaddictedtoapple

sabihin nyo naman sa crush ko unblock niya na ko

Nakita kong may mga comments doon kaya't binasa ko isa isa.

@Adamson_ bagay sayo yan, malandi ka

@PogingStevan karma niya ahahaha

@Zoren kawawa ka naman pinsan. pero dsurb

@Kenzo kita ko crush mo kanina may iba ng kasama, iyak

Binack ko ang Twitter. Pumunta ako sa Facebook account niya at nakitang may mga shared post ito. Mga patama post.

Pumunta ako sa messages. Binuksan ko ang convo namin at nag back read. Hay, ang sakit pala ng ganito. Pero ano namang magagawa? May nililigawan siya at ayoko makasira ng relasyon.

Kaya ba hindi niya parin ako nililigawan kahit na sinabi niyang gusto niya ako? Siguro nga. Baka nga hanggang talking stage lang ako. Iyong tipong kakausapin niya para lang ma entertain siya.

Inis kong pinatay ang phone ko at pinilit nalang matulog. Simula sa lunes, babalik na sa normal ang lahat.

"Pona, gumising ka na riyan! Hala at mag grocery ka saglit sa Welcomemart!"

Inis akong nag mulat ng mata. Bumangon ako sa higaan habang kinukusot ang mga mata ko. Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto at ganon nalang ang pagsimangot ko ng makitang alas-otso palang ng umaga.

Ang aga aga naman manggising ni Mama. Minsan na nga lang ako matulog ng matagal.

"Pona!Bumangon ka na dyan at aalis na ako!" sigaw uli ni Mama.

"Opo! Ingat kayo, Ma!"

Kahit sunday ay may pasok sila. Ewan ko rin ba kay mayor. Weekend's, dapat walang trabaho ang mga workers. Pero itong si Mama araw-araw may pasok. Araw-araw may overtime. Daig pa nila ang CEO ng isang kompanya.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon