"I'm happy that I'm back closer to you again Love. But I'll be honest, magiging subrang busy ako sa mga susunod na araw . May tatapusin kaming importanteng misyon, hindi magiging madali. Kaya I want us to communicate all the time, text me your day kahit anong nangyari sa'yo sa buong araw. Gusto kong malaman lahat, Paige. I want to be updated about your whereabouts all the time...can you do that?" I said to her before living.
Her chinky eyes blinked a bit and her lips pursed. Gustong-gusto ko s'yang halikan pero pinigilan ko ang sarili ko. As much as I want her soft and sweet lips brush to mine all the time, her response is more important.
Ayaw kong magsimula sa misyon ng hindi ko maipapaliwanag ang mangyayari. I can't tackle the details, ang maggagawa ko lang ay maging panatag kami habang nasa misyon ako.
"May mga bagay akong maiisakripisyon dahil sa misyon na ito, Paige. I'm referring to my time with you, baka mabawasan o 'di kaya hindi ako makasagot sa text mo, magiging madalang ang pagkikita na'tin. But please love, wala kang akong gagawing masama. Nasa trabaho lang ako."
I hope she'll understand me and our situation. Ayaw kong magising isang araw na galit s'ya dahil may nakaligtaan akong sabihin. I don't want to receive a message from saying that she's not important to me anymore, that I'm too busy because of work or worst...breaking up with when I'm just working fuckin' hard. That's last thing I want to hear from her.
Kung pwede ko lang maipaliwanag sa kanya ang lahat.
"You're being weird, Evan. Parang hindi ako Anak at Kapatid ng Pulis. Lumaki akong iniintindi ang trabaho ni Daddy, I grow up seeing my Mommy trying her best to understand Daddy's work. I know, I'll update you." She grin and hug me more, clingy s'ya at hindi ako ganoon. Pero pinagpapasalamat ko 'yon kasi hindi ako nahihirapang magdemand ng atensyon n'ya. I'm a lucky bastard. "Mami-miss kita kasi alam kong may mag-iiba sa routine natin, I will missed our weekend bonding. But that's okay, 'wag kang mag-alala. Naiintindihan ko, don't treat me like a spoiled brat who refused to acknowledge your side, Evan. I'm maturing."
"Talaga, hindi ka spoiled brat? Bakit mahirap paniwalaan 'yon, Paige? Doon mo ako nakuha 'diba? Hindi ba pagiging spoiled ang ginagawa mo noon para lang mapansin ko?"
Nakita ko kung paano nagbago ang mukha n'ya, nawala ang malaking ngiti at napalitan ng inis. Masyado s'yang naging cute sa ginawa n'ya. Her eyes became smaller and she pout her lips even more. Hindi ko gusto ang sinabi n'ya na magma-mature s'ya. Hindi ko 'yon gusto, pero hindi ko sinabi.
Kung magiging mature s'ya baka maging less clingy s'ya sa'kin. Maging resonable s'ya sa relasyon na'min, I want that but at the same time I hate the idea. Oh well, kailan ba naging maayos ang pag-iisip ko sa kanya. Gusto kong maintindihan n'ya ang sitwasyon pero natatakot akong masyado s'yang maging understanding. Gusto kong maging demanding at clingy pa rin s'ya.
Ang hirap intindihin.
"I want the spoiled brat, Paige. I want the clingy Paige...I want the demanding Paige, you're allowed to do that while understanding me, Paige."
"Ano? Paa'no ko gagawin 'yon? Sasabihin ko umuwi ka dito dahil miss kita tapos hindi pa pwede?"
"Kung pwede.."
"Uuwi ka kung ganoon?"
"Uh. No." sagot ko habang blanko ang reaksyon.
Tumingala s'ya at parang naguluhan. Her eyes flickered slowly being annoyed with my answer. I arched my brows ang watch all the reactions on her face. Her white pale skin compliments my darker skin habang yakap-yakap ko s'ya galing sa likod. I'd like to think that even our skin color matches, that's one of the cheesy things I thought because I want her for myself. Kahit edad amin feeling ko sakto lang 'yon, mas bata s'ya at mas matanda ako. Mas gusto kong iniintidi s'ya kaysa iintindihin n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalain na ang nakaw na pagtingin na 'yon ay siyang totoong pag-ibig ko. Evan x Paige