Tahimik kaming kumain ng pamilya ko. Hinihintay kong may mag-open ng topic sa nangyari. But everything's look so normal except Kuya, who literally forced himself to sit and eat. Naubos naman n'ya ang pagkain pero halatang napipilitan lang. Isang beses ko lang nakitang nagtama ang mga mata nila Daddy. Pero agad din silang nag-iwas tingin.
Pagkatapos ng hapunan sinundan ko si Kuya sa taas. Pumasok ito sa kwarto n'ya at sinirado ito. Umupo ako sa kama n'ya at hinintay s'yang lumabas ng cr.
Hindi sya nagulat ng makita ako sa loob ng kwarto n'ya. Bitbit pa rin n'ya ang blankong expression n'ya.
"Kuya, stop ignoring me!" I demanded.
"Then stop stalking my friend, Paige!" ganting sigaw rin n'ya.
Ngayon ko lang nakita si Kuya na ganito. I can't figure out if he's angry, upset, dissapointed or what. We're really close though since we only have one other. He's super protective of me, he's sweet and caring. Lagi kasi sinasabi sa kanya ni Daddy na nag-iisa lang n'ya akong kaya hindi ako dapat pinapabayaan. But there are times that I got angry at him especially if he annoys me. Mga kulitan magkapatid. Naging madalang nga lang ang mga time namin mula nong naging Police na s'ya. He became more serious and less of a talker.
"Hinayaan kita nitong nakalipas na taon dahil alam kong humahanga ka sa kaibigan ko. But I had enough, we had enough Paige. Hindi ka pinalaking brat ni Mommy at Daddy para umaktong ganon. Naapektuhan ang trabaho namin dahil sa'yo. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko dahil sa pinagagawa mo." he said. "If you really my friend Paige, quit the act. I don't want to see my sister acting like stupid in front of my buddies."
Tumalikod s'ya sakin at umupo sa study table n'ya. I was affected by his words.
"Bigyan mo ng ilang taon 'yang nararamdaman mo Paige. Tingnan mo sa paglipas ng mga taon kung gusto mo pa rin 'yong tao. But for now, let him be...leave him alone for now. Ayokong maging sabagal ka sa mga gagawin o ginagawa n'ya. Mabait s'ya dahil kaibigan ko sya at superior n'ya si Daddy."
Umalis ako sa kwarto ni Kuya na masama ang pakiramdam. I was on the of crying, hindi ko tanggap ang mga sinabi n'ya sa'kin. Anong gagawin ni Evan? Bakit ako magiging sagabal sa kanya?
Pumasok ako sa kwarto ko't nagsumbong kay Ciello. It was a long conversation, she let me cry while I narrating what happen to our talk.
"Alam mo tama naman kasi ang Kuya James mo. Kung kapatid kita binulag na kita para hindi mo lang masilayan si Kuya Evan."
"Kainis ka naman Ciello eh."
"Hindi ba hinatid ka namin sa tapat ng bahay n'yo para hindi ka na gumala pa. Sabi ko pa s'yo pag-isipan mong maigi ang next move mo pero pinagana mo 'yang landi mo kesa sa utak ko. Ayan tuloy nahuli ka ng Kuya mo.Tsk!"
"Hindi naman ako lumandi ah? Kinausap ko lang 'tong tao kung itutuloy ang pagta-transfer sa kanya. Kasi nga walang sumasagot sa'kin ng maayos."
"Kung ganon ililipat ba daw s'ya o hindi?"
"Wala pa daw desisyon eh. Pero...pero sabi n'ya hindi daw s'ya tatanggi kong i-aasign s'ya sa kabilang presinto." Humagolgol akong muli.
"Negative talaga friend, after five years mo na lang kaya ituloy 'yan. Sakto di kana teenager non. Malay mo magbago na feelings non sa'yo at sagutin ka?"
"In five years? Edi twenty eight na s'ya non! Baka may asawa't anak na s'ya kong maghihintay pa ako ng ganoon katagal! Lutang ka, Ciello?"
"Hindi Paige, ikaw 'yong hibang!"
Madaling lumipas ang tatlong linggo na wala akong balita kung anong nangyari sa pagtransfer ni Evan. Hindi ko na rin tinanong si Kuya tungkol doon. I was busy in school pati na rin sila Kuya at Daddy.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]
RomansaHindi ko akalain na ang nakaw na pagtingin na 'yon ay siyang totoong pag-ibig ko. Evan x Paige