NNP 21 - Equal

135 1 0
                                    


NASA sun lounger sun lounger malapit sa dagat namin nakita si Lantis at Kuya James. May maliit na lamesa sa gitna nila, may alak ang ibabaw nila. Ten thirty pa lang ng umaga pero nag-iinom na sila, hindi ko na tatanungin kong asan si Conrad at Travis.

They busy, they're really busy. 

Sa likod ng Villa may pasilyo rin doon kung saan patungong dagat na. Unang sasalubong sa iyo ang malaki at parikusat na swimming pool. May mga mesa at sun lounger sa paligid ng pool, may mini bar din sa kabilang bahagi. Kung nakaloblob ka sa pool, hindi mo makikita ang dagat kasi may mga napapaligiran ng halaman ang kabilang bahagi n'to.

Katabi ng pool ay ang hagdan pababa ng dagat. Gaya ng pol my mga mesa at upuan din, may malaking payong para hindi mainitan ang naka-upo or nakatambay doon. 

We saw Kuya first, looking dangerously at our direction...to our intertwined fingers. Kusang lumiit ang mga mata at nagtagal ang tingin sa mga kamay namin. It's making me tensed, maybe cause it's out first time being this showy. 

Evan gazed at me, I know...I'm being so awkward. Especially, Kuya's gawking and never leave us in hush. 

"Uy, may magjowa oh!" Si Lantis ang unang nag-react ng makita kami. "Sana talaga hindi ko kayo sinama eh. Badtrip, walang gustong makipag-inoman." 

Hindi naman kumikibo si Kuya. Alam ko, hindi pa rin s'ya okay sa'min ni Evan. Mahirap para sa'kin na may parang linyang humaharang sa kanilang dalawa, dahil s'kin. Dahil mapilit ako sa nararamdaman ko sa kaibigan n'ya. 

Hindi rin nakakatulong si Lantis. 

"Maglalakad-lakad ng lang kami, bababalik kami pagkatapos ng ilang minuto." Kusang paalam ni Evan pagkatapos tapikin si Kuya sa balikat. 

"Mazarriegos, 'wag mo masyadong i-enjoy. Bata pa 'yan, magbabago pa ang isip n'yan." banta ni Kuya. 

"Kuya!" 

Tumawa ng malakas si Lantis at tumongga ng alak. "H'wag ka daw iiyak sa kanya Evan, kung makahanap ng mas bata si, Paige." Sabi pa ni Lantis. 

"Kuya, that's not gonna happen." I declared, but they wont just listen. 

"We're talking about possibilities, Paige." si Kuya ulit. "Sinasabi ko lang na hindi pa rin ako boto sa kanya para sa'yo. If you're thinking of breaking up with him, my arms are open wide to help you." 

"Ako naman p're, open-wide din ang arms ko kung iiyak ka dahil iniwan ka na ni Paige dahil nakahanap ng mas bata." gatong pa ni Lantis.

Evan, he's just smiling the whole conversation. Ako ang hindi natutuwa sa mga pinagsasabi nila. I couldn't imagine it happening, not my two years of being in love with him. 

Mabilis naman kaming pinakawalan ng dalawa. Kahit rinig ko pa rin sa malayo pag-lburuto ng kapatid ko at pagsabay pa ni Lantis. Masyadong judgemental sila, pero masaya pa rin kahit papaano. Hindi naman masyadong kontrabida si Kuya. 

Umupo kami sa mapuputing buhangon. Kaharap ng malawak at nakakamanghang karagatagan, it's been awhile since I last saw this kind of nature, it's free and beautiful. Nakaka-relax, my heart is happy with my view and with the person behind me.

Nasa likod ko si Evan, naka-upo ako sa gitna ng kanyang binti. Naka-akap s'ya sa'kin at naka-pwesto ang matitigas na braso sa tiyan ko at ibabang bahagi ng boobs ko. 

"Ang daming nangyari sa araw na'to. Alam mo ba? Ang dami kong nakita na feeling ko 'di dapat. Na-curious tuloy ako. May alam ka siguro 'no? Share mo kaya.." tuloy-tuloy na salita ko. "Umiiral ang pagiging chismosa ko sa trip na'to." 

Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon