NNP 37 - Problema

202 6 0
                                    

"Paige, umuwi ka ngayong Sabado at Linggo.."

Mommy called me on Thursday morning before I head off to work. I clutch my shoulder bag, I slid my feet into my working shoes before I step outside and lock my door. I still have fifteen minutes for work, kayang-kaya kong lakarin ng limang minuto ang banko.

"Yes Mom, uuwi ako nasabi ko na 'yan sa inyo, hindi ba? What's with the eagerness, My?"

Tagalan si Mommy bago sumagot. "Uh. Buntis kasi si Ciello kaya gusto ng Kuya mo na maghanda ngayong linggo para i-celebrate 'yon."

"Uh-huh.." wala akong maisip na isagot aa sinabi ng Nanay ko. "Okay, I'll be there..."

We not in good terms, kami ni Ciello. Pero hindi naman ako ganoon kasama para hindi magsaya kasama nila. It's my brother's offspring after all, pamangkin ko pa rin 'yon.

Madaling lumipas ang araw, umuwi ako kahapon sabado gaya ng ipinangako ko kay Mommy.

They're busy for tomorrow, may mga table and chairs na naka-set up para bukas. May catering service din para bukas.

"Akala ko ba simple lang.." I commented.

Nasa kusina ako kumakain ng dinner ko dahil nakatulog ako kanina kaya hindi na ako nakasabay sa kanilang kumain. Wala naman akong iniiwasan na tao dito sa bahay, talagang natulog lang ako.

"May mga bisita ang Kuya mo, Paige. May pupunta din na kamag-anak si Ciello, syempre imbitado din ang mga kapit-bahay natin." Paliwanag ni Mommy.

Gumagawa sila ni Ate Lala ng ilang dessert para bukas habang ako kumakain. Pumasok sa kusina si Ciello, nagtama ang mga mata natin.

She gave me a tensed smile, I didn't answered it instead I turn up my brows. She's wearing a comfortable duster, I bet even she wears tight clothes her belly bump won't be visible of her being pregnant.

Pregnant...my heart swelled. I wish her a stress-free pregnancy. 'Yon kasi ang bagay na hindi ko naranasan, eh. Kahit naman galit ako sa kanya hindi naman ako nag-iisip ng masama sa kanya.

"Kukuha lang po ako ng tubig, My." sabi niya kay Mommy.

I continued eating and ignored her. The tension between us is apparent. Tuwing dadating ako sa bahay ngingitian niya ako bilang pagbati, pero hindi sumusubok na makipag-usap sa akin. We're civil to each other, same us Kuya. We talk if we need to, kung hindi naman kailangan, iiwas ako sa kanila.

"Ciel, handa na lahat para bukas. Matulog ka na agad dahil mahaba pa ang araw natin bukas. Tulog na ba ang asawa mo?" si Mommy.

"Opo, tulog na. Aakyat na po ako para makatulog na." Muli siyang tumingin sa akin, tumango siya sa akin bilang paalam.

Hindi ko nga lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. I heard Mommy's deep sigh, we haven't discussed this issue yet. Pero pati siya hindi ako pinipilit na pag-usapan. Alam kong nahihirapan sila sa sitwasyon pero ayaw kong makipag-ayos dahil gusto lang nila. Not now.

KINABUKASAN maaga pa lang busy na ang lahat sa bahay. Dumating ang catering kaninang alas-diyes ng umaga at agad nilang inasikaso para mamaya.

Around eleven am ng dumating ang mga inaasahang bisita. They were some officials from PNP, policemen that is close to my father and brother. Ang ilan ay may kasamang asawa at anak. Another set of guess came, Ciello's relatives. Darlene is one of them, they hugged Ciello and whisper in her ear that made her smile.

I wasn't affected with Darlene's presence...or I tried to be.

She looks stunning on her pink flowy dress.

Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon