NNP 27 - Friend

106 0 0
                                    

Isang buong linggo ang nagdaan ngunit wala pa rin akong balita kay Ciello. Naka-turn off na rin ang phone n'ya, hindi ko na talaga s'ya matawagan. Halos umiiyak ako araw-araw, walang ganang pumasok ng School dahil na naman akong Ciello na madadatnan dun eh.

Wala na talaga, nagdrop n s'ya kagaya ng ng inaasahan ko.

Ilang gabi akong hindi makatulog sa kakaisip kay Ciello. I felt guilty kahit na wala akong kasalanan. Sina Daddy, Kuya at Evan hindi ko kinakausap, I only response to Mommy. S'ya lang hindi ko kayang matiis. Pero silang lahat tinuring kong parang hangin lang. Even sa School I carely talk to anyone. They tried to engage me, sasabay sa school, kakausapin ako but I distanced myself.

Nasa isip ko palagi walang nakakaintindi sa'kin. Walang may alam kung gaano kasakit ang dulot ng nawala na lang bigla si Ciello. Nawala sa kanya ang lahat because of this case, nakaka-guilty lang kasi mga mahal ko ang naglagay sa kanila sa ganitong sitwasyon.

Kasalanan ng Daddy n'ya pero bakit...nagkakaganito ako?

Pero si Ciello ang involve hindi ako makagpag-isip kung ano ang tama o mali.

"Paige, hindi ka na naman kumain." si Miss G. ulit.

May dala ulit s'yang pagkin sa lunch break. Hindi ako kumibo at hinayaan n'ya lang ako. Sinudo ako ni Evan hinyaan ko lang. Hindi ko s'ya kinausap. Pagdating sa bahay agad akong nagtungo sa kwarto pero naabutan ako ni Kuya bago pa ako makapasok ng kwarto.

"Paige--"

He tried to talk but I cut him off, tinalikuran ko s'ya at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako tapls walang ingay na ginawa ang assignments ko. I cried again that night, pinuntahan ako ni Mommy para dalhan ng pagkain pero hindi ako kumain.

"Paige, kain ka muna Anak...nangangayayat kana oh."

Napapansin ko si Mommy na hindi umaalis ang tingin sa'kin tuwing aakyat s'ya ng kwarto ko dahil hindi ako bumababa para sumabay sa kanila. Tuwing umaga lang ako kumakain kapag nand'yan sila. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil madali akong mabusog.

When I try to check myself in the mirror, I noticed that my body drop some weight. Mas lumiit ang braso at beywang ko. Halata rin sa mukha ko ang pagbawas ng timbang sa loob lang ng isang linggo.

Evan visited me, pero kahit anong pilit nilang harapin ko s'ya hindi ako bumaba. What's the use of facing him when all I want is to blame him for everything? Tinatawagan pa rin n'ya at nagtetext s'ya but...I don't read them.

I need time.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sakit ng puson ko. Pinatay ko agad ng aircon dahil pinagpapawisan ako ng malamig. I run to bathroom ang check my panties. Time of the month ko na ba? Hindi ko matandaan kung anong buwan ako huling nagkaroon ng dalawa. Irregular ang period ko kaya hindi ako nagtataka kung minsan isang beses lang akong nagkakaroon sa dalawang buwan.

Hindi naman sumasakit ang puson ko kapag nagkakaroon, minsan lang kapag pagod na pagod ako sa School. Umupo ako sa inidoro, tama nga ako. May mga pulang dots akong nakita sa puting panty ko.

Kumunot ang noo ko, it was darker than the usual. But I guess dahil first day ko ngayon. Nagpalit muna ako ng damit pagkatapos uminom ng pain reliever. Humiga muli ako sa kama ko at nagpasyang matulog.

Limang araw na akong gumigising na masakit ang puson at may kunting hilo. May dots ng dugo rin sa panty ko pero hindi malakas gaya ng normal na red days ko. Kumakain na ako kahit wala aking kagana-hana para maka-inom ako ng pain reliever.

Ganon ang naging sistema ko sa loob ng limang araw.

Pero tinuring kong normal lang 'yon, bukas pang-anim ko na araw. Matatapos na 'to, ganon naman katagal palagi eh. Mas kunti nga ngayon compare sa mga previous ko. Pero masakit lang talaga ang puson ko at mabigat ang ulo ko.

Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon