"Tangina, mo 'tol!"
Isang malakas na hampas ang ginawa ni Travis sa sasakyan ni Lantis bago nag-martsa palayo, pabalik sa pwesto n'ya. Mas mainit pa sa sikat ng araw naging mood n'ya. Mabibigat ang lakad na ginawa n'ya hanggang makarating sa dating pwesto.
Lahat kami natahimik sa bagsik ng reaksyon ni Travis, ito ang unang beses ko s'yang nakitang ganoon. Madilim ang tingin na binigay n'ya kay Miss G. gamit ang kulay asul n'yang mata. I was very affected by it, even though it's for Miss G.
They're not okay, it's his advance birthday celebration...they're not in good terms. Siguro normal lang ang reaksyon ni Travis, he didn't expect us...lalo na si Miss G.
I turn my head to them, to check on Miss G. She was looking outside the window while her left hand was on her lower lip, she's playing with it. By her movements, it's clear that she's affected by what happen.
"Miss, are you okay?"
Isang tango lang sagot n'ya sa'kin. Si Ciello ay tahimik lang tinitimbang ang sitwasyon. You can see how her brows furrowed, she's not also comfortable with the situation. Hinarap ko si Lantis, parang walang nangyari basi sa pagiging kalmado n'ya.
"Kakalma 'din 'yon si Travis, nagulat lang 'yon sa suprisa ko. H'wag na kayong mag-alala." turan n'ya.
"H'wag mag-alala? Nakita mo ba ang reaksyon n'ya, Lantis? Paano kung paalisin n'ya kami ha?" singhal ko.
"Medyo scary ang reaksyon ni Kuya Travis, Kuya Lantis. Gusto mong sa ibang reasort na lang tayo Miss? May pera naman ako, 'doon na lang tayo magcheck-in." sabi ni Ciello sa nahihimik naming guro. "Sa Paradise, maganda 'doon. Nakapunta ka na doon?"
Tango lang ang sagot ni Miss G.
Inabot ko ang tuhod ni Ciello para patigilin s'ya.
"Bakit ba? Hindi ka sasama sa'min kasi nand'yan si Kuya Evan? Alam ko 'yon, Paige!"
Tumawa si Lantis habang nakikinig sa'min ni Ciello.
"Oh, mukhang nakapagsumbong na si Kano ah. Exciting.."
Naguluhan ako sa pahayag ni Lantis. So followed his gaze, Conrad, Kuya and Evan is walking swiftly towards us. Habang papalapit ng papalapit sila, isa-isang naging klaro ang mga reaksyon nila.
Kuya James is obviously not happy. Conrad as usual, naka-poker face. Evan was confused yet, pleased at the same time. My heart was biting so fast, gusto kong bagalan ang mga lakad nila dahil sa kabang unti-unting bumabalot sa dibdib ko.
Lahat sila walang kaalam-alam na sumunod kami, na sumama kami kay Lantis.
Si Conrad ang unang nakarating sa'min. Sumilip s'ya sa nakabukas na bintana ni Lantis, mabilis na dumaan ang tingin n'ya sa'kin, kay Ciello at nagtagal kay Miss G.
The three of us give him an smile.
This is really disturbing.
"Conrad, welcome ba sila sa Resort mo?" nakangising tanong ni Lantis. "I thought we're lacking of guest that's my I come with these idea to bring them. The more the merrier, right? It's a advance celebration after all.." Lantis was grinning mischievously to Conrad.
"Yeah, the Resort is big...we will fit in."
"Alright!"
They high five each other before Conrad walk away.
Akala ko tapos na, pero hindi pa natapos 'dun dahil nakatayo na sa tabi ng labas ng bintana ko si Kuya James. Si Evan naman ang pumalit sa pwesto ni Conrad, sumilip din ito sa mga pasahero ni Lantis.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalain na ang nakaw na pagtingin na 'yon ay siyang totoong pag-ibig ko. Evan x Paige