KRYSTAL CORTES!! Anong oras ng bata ka gumising ka na dyan at tulungan mo ko ditong mag ayos ng ititinda ko sa palengke!
Tinatamad na bumangon ako sa aking higaan ng marinig ko ang mala speaker na boses ni mama. Maaga kasi syang pumupunta sa palengke para mag tinda at ako ang tumutulong sa kanya para maglagay ng mga gulay sa truck na hinihiram pa namin kay kuya berto.
Opo nay! Andyan na po!
Jusko kang bata ka tanghali na ang tagal mong gumising siguro inumaga ka na naman sa kaka cellphone mo dyan no.
"Si nanay naman hindi ah gumawa pa kasi ako nung project ko sa school since exam na namin ngayon" pagtatanggol ko sa aking sarili
"Naku siguraduhin mo lang na mataas yang mga score mo sa exam ha kundi kukurutin tlga kita sa singit dyan. hayy naku halika na at tulungan mo na kong mag lagay nitong mga gulay sa truck ni mang berto at ng maka paninda na ko sa palengke" sabi ni nanay.
Mabilis kong binuhat ang mga karton na may lamang gulay at linagay sa truck ni mang berto na mukhang kanina pang nag hihintay sa labas.
'Magandang umaga mang berto'! Bati ko sakanya.
"Ay magandang umaga din sayo iha, andyan na ba ang mama mo para maka alis na kami at paniguradong madami ng mamimili sa bayan ngayong araw."
Lumabas na si mama mula sa bahay at madali naman syang sumakay mula sa truck ni mang berto.
"Krystal iha ikaw na bahala sa mga kapatid mo at nag luto na ko ng agahan sa kusina andoon na rin ang baon nyo ngayong araw."
'Eh ma, anong oras uuwi si papa'?
"Naku mamaya pa uuwi ang papa nyo at abala yun sa pamamasada. Sige na at aalis na kami."
"Byee ingat kayo ma"!! Kumaway ako habang papa alis na sila pagkatapos ay dumiretso na ko sa loob ng bahay para kumain ng agahan at ng makapag handa na ko sa pag pasok sa iskwelahan.
Pagkatapos kumain at maligo hinatid ko muna ang aking mga kapatid na sila amanda at blake sa kanilang mga iskwelahan pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa university na pinapasukan ko.
I'm a 3rd year college student here in USTe and I am a Psychology student. Hindi nga lang talaga halata sa mukha ko pero may ibubuga naman ang utak ko.
Papasok pa lang ako sa gate ng makita ko agad ang aking dalawang kaibigan na naka abang sa labas at mukhang may hinihintay. They are actually my classmates. Magkakilala na kaming tatlo noong highschool at napagdesisyunan namin na mag psychology since yun yung may pinaka maikling pila nung enrollment eh. Parang tanga diba.
Nang makita nila ako na papalapit ay agad nila akong dinamba ng yakap.
'Ano ba ang init init yakap kayo ng yakap'!
Pabiro kong sabi kay Sam at Clarisse, ang aking kaibigan na sobrang ingay at ka bonding ko sa kalokohan.
"Ano kaba krystal namiss ka lang namin tyaka tatanong namin kung nag aral ka ba"? seryosong tanong ni Sam
'Oo bakit nag aral ako, di lang halata pero nag aral ako ah' I said.
"Well, kami hindi kaya pakopya ha". Sabay hagikhik ng dalawa
Napairap naman ako ng marinig ko ang sinabi nila at sabay sabay kaming pumasok sa school para maghanda sa exam.
Uy saan pala kayo mag babakasyon after ng exams natin? Tanong ni Sam
"Pupunta kami sa beach ng family ko eh kayo"? Sabi naman ni Clarisse habang nag hahalukay nung ballpen nya sa bag na mukhang nawawala na naman
"Hala nawawala ballpen ko shett may extra ba kayo pahiram ha"!
'Oo meron ako, lagi ka naman nawawalan ng gamit eh oh heto'.. sabay abot naman ng ballpen ni sam
"Well, siguro kami pupunta kaming Cebu ng family ko". Sabi ni sam habang nag tetext sa cellphone nya.
"Eh ikaw krystal saan kayo ngayong bakasyon"? kuryosong tanong naman ni Clarisse.
I sighed, "di ko alam siguro pupunta kami sa probinsya ng tita ko baka doon muna kami sa bakasyon since mag b-birthday yung tita ko doon eh".
Nakarating na kami sa classroom namin at agad naman kaming umupo at hinintay ang prof na mag bibigay ng exam ngayong araw.
Balak pa sanang mag tanong ni Clarisse ng biglang pumasok yung prof namin.
'Okay class please get one whole sheet of paper and answer the exam honestly'.
Tatlo lang ang exam namin ngayon dahil yung ibang prof ay mas prefer na bigyan kami ng project kaysa sa exam. Buti na lang talaga tapos ko na lahat ng projects namin kaya wala na kong alalahanin, except tong exam ngayon.
Makalipas ng ilang oras ay kinolekta na ni prof. Markus ang lahat ng answer sheets namin at pinayagan nya na rin kaming umuwi since natapos na rin ang exams namin ngayong araw.
"OMG!! Vacation time na yeheyy!!" Sigaw ni Sam at tumalon talon pa sya sa tuwa
Napa buntong hininga ako at bahagyang nag inat inat ng matapos na ang exams namin ngayong araw. Bukas ay wala na kaming pasok. Ang President na rin ng klase ang bahala sa clearance namin so technically bakasyon na namin bukas at mukhang excited na ang lahat don liban lang sakin
Well, sino ba naman ma eexcite kung sa probinsya ka mag babakasyon malamang at puro damo lang makikita ko dun eh.
"Guys, mauuna na pala ko andyan na sundo ko byee". Wika ni Sam
Habang nag lalakad ay nag pa alam na rin sakin si Clarisse dahil andyan na rin ang sundo nya
"Krystal mauna na rin ako andyan na si kuya eh ingat ka ah see you sa next school year bye!!" Kaway naman ni Clarisse habang tumatakbo
Nang mawala na sila sa paningin ko ay napabuntong hininga ako at napagpasyahan ng umuwi ng maaga
Nang makarating na ko sa bahay ay ingay agad ng aking mga kapatid ang narinig ko
"Oh andito kna pala krystal kumain kna pagkatapos ay ihanda mo na rin ang gamit mo at uuwi tayo sa probinsya bukas" my father said while fixing some of my brothers toys.
'Eh papa kailan tayo uuwi?' tanong ni blake na bunso kong kapatid
"Oo nga papa mamimiss ko mga kaibigan ko dito eh, pwede bang wag sumama papa"? Sabi naman ng kapatid kong si amanda
"Anak hindi pwede walang magbabantay sayo dito kaya ayusin mo na gamit mo don sa taas sige na wag na makulit" pagod na sabi ni papa sa aking mga kapatid.
Umakyat muna ako sa aking kwarto para mag bihis pagkatapos ay bumaba ulit ako para kumain
Pagkatapos kong kumain ay pumanhik ako sa kwarto upang ayusin ang mga damit na dadalhin ko para bukas.
Maya maya pa ay umuwi na din si mama at tinulungan naman sya ni papa mag buhat ng mga ibang gulay.
"Oh tapos na ba kayong mag ligpit ng mga damit nyo para bukas"? tanong ni mama sa amin
Tumango naman kaming lahat at pagkatapos ay inayos ulit ang mga gamit na dadalhin.
Oh sya at matulog na kayo ng maaga sapagkat bukas ay maaga tayong aalis.
I bit my lip hard while looking to my things that I will bring tomorrow
"Maybe going to province isn't bad after all" pagod kong saad pagkatapos ay humiga na ko sa kama at natulog.
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...