KABANATA 4:

98 4 1
                                    

Inis na tinakpan ko ang aking tenga gamit ang unan dahil sa lakas ng tilaok ng mga manok dito. Bahagya pa kong nagulat ng may kumatok sa pintuan ko

"Anak bumangon kana dyan! May lakad pa raw kayo ng mga pinsan mo mamasyal ata kayo ngayon. Tumayo ka na dyan at handa na rin ang agahan"

Tinignan ko ang orasan na naka sabit sa may pinto at irita akong napa bangon ng makitang alas singko pa lang ng umaga

"Sunod na po ako ma! Sandali lang po!!" tinatamad kong sabi


Narinig ko na rin ang papalayong yabag ni mama pagkatapos ay bumangon na din ako at dumiretso sa banyo para mag ayos ng sarili

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na din ako ng aking kwarto at dumiretso na ako sa hapagkainan.

"Magandang umaga sayo iha" bati ni lola

"Good morning din po lola" saad ko at umupo na ko sa katabing upuan ng aking mga kapatid.


"Ate krystal gusto mo ba sumama samin sa hacienda ng mga Del Vega? Nakalimutan po kasi ni mama dalhin yung cellphone nya kaya ihahatid muna namin at pagkatapos ay pupunta kami sa batis. Maganda doon ate malinaw ang tubig tyaka may falls din don!! Sama ka ate krystal!!" excited na bigkas ni minerva


"Mabuti pa nga at isama nyo ang ate krystal nyo para naman masanay sya sa buhay probinsya"


I pouted my lips when I hear what my mother said, wala na rin akong nagawa kundi ay tumango sa lahat ng sinabi nila. As if may magagawa pa ko diba eh kaysa naman sa maiwan ako dito sa bahay wala naman akong magagawa dito.


"Oh sya kumain na kayo ng maka pamasyal na din kayo"

I started eating my breakfast but I immediately stop when a sudden thoughts crossed my mind

Saan nga ulit tayo pupunta minerva? I ask nervously


"Sa hacienda ng mga Del Vega ate krystal, doon po kasi nag tatrabaho si mama. Isa po kasi siya sa mga katulong sa hacienda" ngiting wika ni minerva


Bahagya akong namutla sa aking nalaman. "Del Vega? Ibig sabihin may tyansang makita ko doon yung lalaking pogi na nakita ko sa palengke?!" kinakabahan kong tanong


Natawa naman si mama sa aking sinabi "Si Knight ba ang sinasabi mo iha? Talagang makikita mo siya sa hacienda dahil sa kanila ang bahay na iyon"


I bit my lower lip hard. Hindi ako pwedeng tumanggi sa anyaya nila minerva dahil iisipin nila na crush ko yung lalaking yun kahit di naman.



"Weh? Di nga ba" bulong ng makulit kong isip


I immediately erase the thought of liking that man. I can't like that man never! Maybe this is just an admiration? Dahil ngayon lang ako naka encounter ng sobrang pogi na lalaki. Actually, madami namang gwapong lalaki sa manila pero di ko alam bakit iba ang epekto sakin ng Knight na yun shockss.... Am I crushing on him? Seriously?!

"Wag kang mag alala ate Krystal baka di rin natin makita si kuya Knight kasi lagi yung busy. Baka nga nasa kwadra yun ngayon at naglilinis sa mga kabayo" saad ni minerva habang nililigpit ang kanilang pinagkainan sa kusina

I sighed, as I fix my plate and put it on the sink. I can't even eat properly because on what they said about that man

Tara na ate Krystal puntahan na natin si mama

"Mag iingat kayo ah, enjoy!!" kumaway kami kay mama habang papalabas kami ng bahay. Pumara na rin ng tricycle si josef at sumakay kaming tatlo papunta sa hacienda ng mga Del Vega

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon