KABANATA 30:

89 2 0
                                    


Bumalik kami sa kusina matapos ng pag uusap namin kanina. Namumula akong sumubo ng pagkain at hindi siya pinansin. Nasa harapan ko siya at seryoso naman siyang nakatingin sakin. Tinaliman ko siya ng tingin dahil hindi ako makakain ng maayos sa uri ng tinging binibigay niya sakin

"Pwede ba kumain ka na?! Huwag mo kong titigan wala sakin yung pagkain." Mataray kong wika

Pinaningkitan niya ako ng mata at marahas niyang hinawi ang kaniyang buhok.

"Kumain ka na. Ihahatid na kita pauwi." Saad niya sakin

Inubos ko naman ang aking pagkain at pagkatapos ay linagay ito sa kusina. Hindi niya na ko pinanghugas ng pinggan dahil siya na raw ang bahala doon.

Hinintay ko siya sa living room at nang matapos ay lumapit na siya sakin para ihatid pauwi.

Sa totoo lang na giguilty ako dahil hindi ko siya mabigyan ng sagot. Aaminin ko na mahal ko pa rin siya pero natatakot akong sumugal ulit. Natatakot ako na baka masaktan ko siya ulit sa pangalawang pagkakataon.

Sumakay na ko sa kotse niya at tahimik lang kami buong byahe. Sa sobrang lalim ng aking pag iisip di ko na namalayang nakarating na pala kami sa condominium building kung saan ako nakatira.

Hindi muna ako lumabas ng sasakyan at hinarap si Kris. Nakatingin lang siya sa harap habang hawak ang manibela. Tumikhim ako bago basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Kris, tungkol nga pala kanina. Sorry.." I said calmly. "Hindi ko alam kung bakit mahal mo pa rin ako sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay ko sayo. Sorry, kris sa lahat lahat." I said

"You don't have to say sorry Krystal. Just let me love you. Kahit may iba ka nang mahal, sana hayaan mo pa rin akong mahalin ka." Wika niya sa malamig na tinig.

Tumango na lang ako at ngumiti bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Hinintay kong maka alis ang kaniyang kotse bago pumasok sa loob ng building

Nang makarating sa condo ay agad akong dumiretso sa aking kwarto upang makapagpahinga. Naligo muna ako sa banyo pagkatapos ay umupo sa kama para patuyuin ang aking buhok.

Tinext ko na rin ang aking assistant nurse na mag leleave muna ako bukas dahil sa may lakad nga kami ni Raven. Nang matapos kong patuyuin ang aking buhok ay agad na kong humiga sa kama at nagpadala na sa antok dahil sa sobrang pagod.

___

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko. Humihikab akong bumangon at kinuha ang cellphone sa tabi bago ito sagutin.

"Hello?" Antok kong wika

"Sweety ano na!! Nakapag ayos ka na ba? Otw na ko sa condo mo." Ani Raven

Tuluyan ng nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Raven. Agad akong tumayo at kinuha ang tuwalya bago sumagot sa telephono.

"O-oo mag aayos na ko. Maliligo muna ako. Pumasok ka na lang sa loob ng condo tutal alam mo naman password diba. Sige na byeee!" Madali kong wika at tarantang pumasok sa loob ng banyo.

Sampong minuto rin ang itinagal ko sa banyo at agad na nag hanap ng masusuot. Sa huli ay nag suot na lang ako ng fitted longsleeve black dress at black boots bago kinuha ang kulay itim ko ring bag. Naglagay na rin ako ng light make up at pagkatapos ay dumiretso na sa living room para tignan kung nandoon na ba si Raven.

"Goodness, sabi ko na nga ba tinanghali ka na naman ng gising." Nakadekwartong upo ni Raven habang naka tingin sa akin.

I pouted my lips and smiled sweetly at him. "Sorry na! Madami kasi akong ginawang files kagabi kaya late na kong nagising." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Alam ko naman kasi kapag sinabi kong kasama ko kagabi si Kris ay mang uusisa na naman to at baka di na nga kami makapasyal.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon