Kinakabahan akong humarap sa loptop at iniscroll ang website ng results for the board examination of Psychology. Dumating na ang araw na magpapabago sa buhay namin. Hindi na ko mapakali at sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.Kakatapos lang kasi noong nakaraang linggo ang examination for Psychology. Ngayon na ilalabas ang resulta ng exam kaya grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Katabi ko sila mama at papa sa pagtingin sa loptop. Hindi ko pa pinipindot yung link dahil kinakabahan pa ko.
"Anak bilis na pindutin mo na yung link para makita natin kung nakapasa ka ba." Kaba ding saad ni mama
I let out a deep breath before opening the link. Hinanap ko ka agad ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa.
"Ano anak? Wala pa ba pangalan mo?" Wika naman ni papa
"Teka lang pa! Hinahanap ko pa eh
2100, Marcaida Kristen L.
2101, Buenaventura Reynaldo G.
2102, Marcel Dekker O.
2103, Cortes Krystal M.
2104, Conda Tereda H.Napatili naman ako ng makita ang pangalan ko sa nakapasa.
"Papa!! Pasado ako!! Pasado ako!!! Psychology Doctor na koo!!" Talon ko sa tuwa at niyakap si papa at mama.
Napaiyak naman si mama ng makitang nakapasa ako sa exam. Nangigiti ko silang tinignan at halos maluha na rin dahil sa kanila
"Sa wakas nag bunga na rin lahat ng pangarap natin anak! Salamat." Saad ni papa bago kami nag group hug tatlo
Katulad nga ng sabi ko sa kanila. Tutuparin ko ang pangarap na matagal na naming inaasam. Hindi ko sila binigo at sisiguraduhin kong magiging successful na psychologist ako balang araw.
____
5 years after~
"Doc! Doc! May patient po doon sa ward 301. Nagwawala po Doc!" Nagmamadaling wika ng nurse
"Kunin mo ang pampakalma na gamot at sumunod ka agad sakin." I said calmly
Iginaya ako ng iba pang nurse sa ward 301 para pakalmahin ito. Guest what! Nagbunga na lahat ng pagsusumikap ko sa buhay. Isa na ko ngayong ganap na psychologist at nag tatrabaho sa isa sa mga pinakamalaking mental hospital sa bansa.
Pagpasok ko sa ward 301. Naabutan ko ang pasyenteng may hawak na tinidor at tinututok ito sa mga taong nagtatangkang lumapit sakaniya. May katandaan na ang babae at sa pagkakaalam ko ay namatayan siya ng anak at iniwan pa ng kaniyang asawa.
"Ms. Patterson calm down. Put the fork down and let's talk calmly okay?" Mahinahon kong saad habang naglalakad papalapit sa pasyente.
"Dyan ka lang Doc!! Dyan ka lang!! Huwag kayong lumapit sakin!! Pinatay niyo ang anak koo!!" Sigaw ni Ms. Patterson
Bumuntong hininga na lang ako at lumapit pa ng paunti unti sa kaniya. Agad naman akong pinigilan ni nurse irah at nag aalalang tumingin sakin bago ko siya tinanguan at hinarap ang pasyente.
"Ms. Patterson, we didn't kill your daughter. Sa tingin mo ba magiging masaya ang anak mo kapag nakita ka niyang nananakit ng iba?. Put the fork down and let's talk Ms. Patterson. I am your friend right? We can talk and vent your feelings on me. I'll listen." Saad ko sa kaniya
Nakita ko naman ang pagtulo ng luha ni Ms. Patterson. Hahakbang na sana ako papalapit sa kaniya ng bigla niyang bitawan ang tinidor at tumakbo papalapit sakin bago ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"I'm sorry anak! Hindi na uulitin ni mama!! Sorry anak ko!. Halika na matulog na tayo anak. Basta huwag kanang gagalit kay mama ha! Di na mananakit si mama!" Wika ni Ms. Patterson
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...