KABANATA 26:

72 2 0
                                    


Mabilis na lumipas ang linggo at pasukan na namin sa eskwela. Inaayos ko na ang mga gamit ko at pagkatapos ay bumaba para makapag agahan

"Krystal anak buti bumaba ka na. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Nagluto na ko ng breakfast niyo. Heto nga pala baon mo. Sige na at magtitinda pa ko sa palengke." Saad ni mama bago humalik sa aking pisngi at nagmamadaling umalis ng bahay.

Tumungo na ko sa kusina at nakitang kumakain na ang mga kapatid ko. Kumuha na rin ako ng plato at sumabay sa kanilang kumain.


Pagkatapos makapag agahan ay kinuha ko ang bag ko sa kwarto at bumaba rin agad para umalis. Sinabay ko na ang aking mga kapatid sa jeep at lumarga na papasok sa iskwelahan. Madadaanan kasi namin ang school ng mga kapatid ko kaya lagi ko silang sinasabsy kapag papasok.

Nang matanaw ko na ang school nila ay pinara ko na ang jeep at pinababa ang mga kapatid ko. Nanatili naman ako sa loob ng jeep at umalis na ang sinasakyan ko.

Pumara na ko nang makarating na sa university na aking pinapasukan. Dumiretso na ko sa gate ng school at naglakad papunta sa classroom. Papaakyat na ko sa hagdan ng maramdaman kong may umakbay sakin.


Di ko na pinansin ang umakbay dahil alam ko namang mga kaibigan ko lang yun at hindi nga ako nagkakamali sa hinala.

"Good morning Krystal! Grabe start na ng 4th yr natin tapos pag naka graduate na tayo mag te take na tayo ng board exam tapos magiging psychology doctor na tayo!" Excited na wika ni Clarisse


"Advance ka talaga lods. First day pa lang natin ah!"saad naman ni Sam


"Gagii, madali na lang yan. Tignan mo di natin mamalayan tapos na ang semester." Ganting saad nu Clarisse.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na kami sa classroom. Maya maya lamang ay pumasok na rin ang aming prof at nag start na ng discussion.


Nagtuloy tuloy ang aming pag aaral. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng pumunta kami sa probinsya. Natapos na ang first and second semester namin at bukas ay ang araw na aming pinaka hihintay. Ang graduation ko.

"Anak.. okay na ba to na damit? Gusto ko maganda ako sa graduation mo bukas anak!" Excited na wika ni mama

Tumango na lang ako at inayos ang toga na susuutin ko para bukas. Umaga ang graduation namin Kaya inaayos ko na ang mga kailangan ko para bukas.


"Saka nga pala pupunta dito si mama at ang tita presly mo kasama sila Minerva at Josef dahil graduation mo na bukas anak." Wika naman ni papa

Napangiti ako ng malamang pupunta ang nga pinsan ko bukas. Matagal ko na kasi silang hindi nakikita at mag iisang taon na rin simula ang nangyari noon sa probinsya.

"Sige na matulog na tayo at maaga pa tayo bukas." Ani mama

"Congratulations anak. Graduate ka na bukas at matutupad mo na rin ang pangarap mo." Yakap ni papa sakin bago sila umalis ng aking kwarto


Humiga na lang ako sa kama at kinuha ang notes ko para mag review. Sa susunod na linggo na kasi ang board exam namin kaya nag aaral ako ng mabuti para makapasa sa exam.

Ilang oras din ang ginugol ko sa pag rereview ng unti unting pumipikit ang mata ko sa antok.

__

Gumising ako ng maaga para maligo at mag ayos na para sa graduation ko. Nang matapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform at naglagay ng make up. Nang ma satisfied sa mukha ko ay isinabit ko na ang toga sa aking braso at bumaba sa sala.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon