KABANATA 3:

95 2 0
                                    

Pumasok na kami sa loob ng palengke at ang ingay ng mga tindera ang bumungad samin

"Karne! Karne! Karne! Kayo dyan mura lang sariwa pa!! miss karne kayo 230 pesos isang kilo lang miss" wika ng tindera habang todo paypay sa kanyang paninda.

"Hmm.. isang kilo po nitong karne nyo aling pasing tapos pabili na rin ng isang bugkos ng pechay" minerva said to the vendor

Habang namimili di ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa paligid. As usual magulo, mabaho at maingay ang loob ng palengke. Sanay na ko sa amoy at ingay ng palengke dahil si mama ay nag titinda rin ng gulay sa palengke sa manila.


Maraming tindera na isinisigaw ang kani kanilang mga paninda. Mayroon ring mga customers na humihingi ng discount at namimili ng sariwang karne at isda.


Sa gitna ng magulong pangyayari sa palengke may napansin akong isang matipuno at gwapong lalaki na may buhat buhat na malaking balde ng mga isda patungo sa isang tindera na mukhang nagtitinda nito. Walang damit pang itaas ang lalaki at halos lahat ng kababaihan ay napapatingin sa lalaking yun.


Nakita kong ibinaba ng lalaki ang bitbit nyang baldeng isda at napangiwi naman ako ng makitang halos mag pa cute si ateng tindera sa lalaki.


Kunot noong napatingin ako sa lalaking yun. Sa katunayan di ko inakalang may lalaking ubod ng kisig at gwapo ang mag tatrabaho sa palengke at mag bubuhat ng baldeng isda.


Sa tagal kong nakatitig sa lalaki di ko namalayang tapos na palang bumili si minerva at mukhang tinitingnan na rin ang tinitingnan ko


"Si kuya Knight yan pogi no" malawak na ngisi ni minerva sakin


"Huh"?! mangmang kong saad



"Sabi ko si kuya knight yang poging lalaking tinitingan mo po ate krystal..yieee crush mo no!" namumulang tinakpan ko ang bibig ni minerva dahil baka may maka rinig pa sakanya maissue pa ko



Well, it's true that the guy is really handsome pero di ko sya crush. Ang ganyang poging lalaki ay malabong mainlab sa tulad kong di naman kagandahan at ma attitude pa. Teka bat ko ba to iniisip! As if naman mapapansin ako nun no


Anong whole name nya at mangingisda ba sya? Bat may dala syang mga balde ng isda? Is he a fisherman or a delivery man?


"Eh bat ka interesado ate yiee" tudyo ni josef sakin


Napairap naman ako sa tinuran nya, "masama bang mag tanong ha" masungit kong sabi kay josef


"Ate krystal hindi po fisherman si kuya knight sadyang tumutulong lang tlga sya sa mga taong nangangailangan ng tulong" ani josef


What do you mean? Naguguluhan kong saad


"Anak ho ni Don Gustavo si kuya Knight. Ang totoo nya pong pangalan ay Kristof Knight Del Vega at siya ang tanging taga pagmana ng D.V group of companies sa manila at ang pinaka malaking azucarera dito sa probinsya. Ang pamilya Del Vega ang isa sa pinaka mayaman at maimpluwensyang tao dito sa probinsya. Madami na ring natulungan ang mga Del Vega kayat nirerespeto tlga sila ng lahat. Bukod sa sobrang bait na ay matulungin pa at mapagmalasakit ang pamilya nila". wika ulit ni josef



"Oo nga po ate Krystal atsaka po nag iisang anak ni Don Gustavo at Doña Helena si Senyorito Knight. Sa katunayan nga po ay ayaw nyang mag pa tawag ng senyorito, mas gusto nyang knight na lang o kaya ay kuya knight ang itawag sakanya. Ang bait diba at pogi pa" kinikilig namang turan ni minerva.



"Atsaka po mahilig lang talaga syang tumulong sa amin, madalas nga po ay tumutulong din sya sa pagsasaka sa kanilang azucarera tapos nagbubuhat din po sya ng mga deliver na isda at karne minsan din ay sya ang nag lilinis ng mga kwadra ng kanilang kabayo at marami pang iba kaya ang dami talagang nahuhumaling na babae dyan kay kuya knight eh" josef also said.



Ibinalik ko ulit ang titig sa lalaking nag ngangalang Knight di ko naman maiwasang mapuna ang kanyang hitsura. He has long eyelashes that even in a far you can really see it, also he has thick eyebrows as well, even his eyes are really beautiful. His hair that is completely disheveled, sharp and perfect angle jaw, broad shoulders, thick biceps and I'm sure even his body screams perfections. Actually, all of his features indeed screams perfections. He was like a living masterpiece. His really gorgeous I admit. Mukhang andami ng naikama at napaiyak na babae to and I can sense that he is dangerous

Napaigtad ako ng bigla akong tinapik ni minerva


"Ate tara na umalis na tayo kailangan na rin nating umuwi sa bahay para makapagluto na ng hapunan si mama"



Tumingin ulit ako isang beses sa pwesto ng lalaking pogi na yun may kausap na agad syang isang medjo may katandaang lalaki at seryosong nakikinig sa kausap Sa gitna ng madaming tao at ingay ng paligid hindi ko inaasahang magtatama ang aming mga mata


Napaawang ang aking labi nang parang may milyong boltaheng kuryente ang pumasok sa aking katawan ng magtama ang aming mga mata. Hindi ako mapakali at kinabahan ako ng makitang seryoso siyang nakatingin sakin.


His eyes, it really looks scary, it was cold and very intimidating. Ito yung tipong parang isang kasalanan ang tumitig sakanya ng matagal



I avoided my sight on him because I feel like anytime soon I'm gonna freak out. I'm totally out of my mind. I don't understand myself anymore. Pinakalma ko ang aking sarili bago umalis sa lugar na yon.



As soon as we left the market I felt my heart beats really fast parang di ako makahinga sa tagpo kanina. That man is really something, he isn't good to my health that's the only thing I know



Nang makarating na kami sa bahay ay agad na dinala ni minerva ang pinamili namin sa kusina.



"Oh andito na pala kayo, pasensya na krystal at di kayo naka pamasyal ngayong araw, hayaan mo at bukas hahayaan namin kayong mamasyal kung saan nyo gusto" tita presly said



"Tara na presly at magluto na tayo ng hapunan baka nagugutom na rin ang mga bata" sabi naman ni mama habang hinuhugasan ang karne at gulay.



Tinatamad na umakyat ako sa taas ng kwarto, Gusto ko munang mapag isa. Di ko alam pero parang sinakop ng lalaking yun lahat ng enerhiya ko. Nakakapagod!



Humiga ako sa aking kama at di maiwasang isipin ang nangyari sa palengke kanina.



I can't believe I met a handsome man in this province. Even though I don't know him, there is something in him that make you wonder.




"Arrgghh! Ano ba ang nangyayari sakin!" inis kong sinabunutan ang aking sarili dahil sa malakas na pagtibok ng aking puso




I sighed deeply, "I should avoid him at all cost or else I'm doomed"...

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon