Maaga akong nagising ngayon upang maghanda sa birthday party ni tita presly. Bitbit ko sa aking kamay ang mga balloons at iba pang design na gagamitin sa party."Ate Krystal! Maganda na ba? Ayos na ba tong mga letters?" sunod sunod na tanong ni Minerva
Magaling mag disenyo si Minerva kaya tumango naman ako ng makitang maayos ang pagkakalagay niya ng happy birthday sa gitna.
Sinimulan ko na ring palobohin ang mga balloons. Balak ko kasi itong ipagkumpol kumpol para maging maganda pa lalo ang design sa birthday ni tita.
Abala naman sila mama, lola, papa at tita presly sa pag luluto. Mukhang andami nilang nilutong ulam para mamayang hapon. Alas tres kasi magsisimula ang party kaya marami pa kaming oras para maghanda.
"Ma!! Marami po ba tayong bisita? Andami niyo atang handa!." tanong ni josef
"Dinamihan ko na kasi alam niyo naman ang mga tao dito, kung saan may handaan ay doon dumudumog. Saka, pupunta dito ang pamilya ni Senyorito Knight. Inimbitahan ko dahil nakakahiya naman kung hindi diba"wika naman ni tiya
Kinabahan ako ng matalim na tumingin sakin si papa. Sigurado akong hindi pa to nakaka move on sa nangyari kahapon.
Nang dumaan ang tanghalian ay naisipan muna naming mag pahinga at kumain.
"Ang ganda na nung design sa likod kahit hindi pa tapos! Ang gagaling niyo talaga" ngiti naman ni mama
Nagsalita naman si minerva habang kumakain, "syempre naman tita kami pa ba!" pagmamayabang niyang ani
Pinag patuloy ko ang aking pagkain at nang matapos ay binalikan na namin ang aming ginagawang pag dedesign
Pagsapit ng ala dos sa hapon ay natapos na rin namin ang pagdidisenyo sa background kung saan gaganapin ang party. Naging maganda ang kinalabasan nito. Nag apir naman kami ni Minerva at napagpasyahang umakyat na muna sa kwarto upang makapag ayos.
Matapos kong maligo, naghanap na ko ng damit para sa party. Busy ako sa paghahanap ng may umagaw sa aking pansin. I saw a beautiful black dress with a slit on the right side. Ginagamit ko tong dress tuwing may night out's kaming magkakaibigan. Matagal ko nang hindi to nasusuot kaya ito na lang ang napili kong suutin. This dress is expensive. Pareho to ng suot ni Julia Barreto sa club na kumalat sa tiktok. Nagandahan ako kaya bumili ako para masuot ko tuwing may okasyon.
Kinuha ko na ang dress at sinimulang suutin. Nang makitang bagay na bagay sakin ay lumapit ako sa bedside table at naglagay ng kolorete sa aking mukha.
After I fix myself, I went to my bed to get my phone and to check any messages. I saw one message coming from Kris
From: Love😘
I'm on my way to your house with my parents. See you baby!."
Sinupil ko ang namuong ngiti sa aking labi. Hindi ko na siya nireplayan at bumaba na ng sala para tumulong kala mama sa pagwelcome sa mga bisita.
"Wow ate ganda mo ngayon ha! Parang ikaw yung may birthday!" tawa naman ni josef
Inismiran ko siya bago tinignan si tita presly na nakasuot ng pulang bestida at may kunting make up sa mukha.
"Happy birthday tita presly!!" Saad ko at niyakap siya ng mahigpit..
Natatawa namang gumanti siya ng yakap, "Salamat Krystal. Sige na at may dumadating ng bisita!" wika ni tita presly at sinalubong ang ibang bisita na paparating
BINABASA MO ANG
Untold Desire
Roman d'amourLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...