KABANATA 23:

69 3 0
                                    

Makalipas ang tatlong araw na nakatunganga lang ako sa loob ng bahay. Simula ng may mangyari samin ni Kris ay hindi na ko nagpakita pa sakaniya ulit. Pinalitan ko na rin ang sim card ko para hindi niya ko macontact at sa tuwing pumupunta rito si Kris ay dinadahilan na lang nila na wala ako sa bahay o namamasyal kasama sila Minerva.


Matapos kasi ng paguusap namin nila papa ay napagdesisyunan kong magpalamig muna. Mabuti na rin siguro to para tuluyan ko ng makalimutan si Kris at sanayin ang sarili na wala siya.

"Ate Krystal gusto mong sumama samin? Pupunta kaming burol ni Josef, tara ate maganda don!" Tuwang bigkas ni Minerva


I smiled then nod my head. Pumayag ako dahil gusto kong pumunta sa burol at sariwain ang lahat. Tatlong araw na lang kasi ay uuwi na rin kami ng manila kaya gusto kong lubusin ang mga natitira ko pang oras dito sa probinsya

Umakyat ako ng kwarto at nagmamadaling magpalit ng damit. I just wear my sundress and bring a cap to protect myself from the heat. I also put light make up before going downstairs.


Pagbaba ko ay naka ayos na rin si Minerva at Josef. May dala pa silang basket na nag lalaman ng pagkain at tubig bago kami nag paalam kila mama na aalis.

Sumakay kami ng tricycle nila Minerva at dumiretso na papunta sa burol. Ibinaba kami ng driver sa paanan ng burol pagkatapos ay nag bayad na si Minerva bago kaming masayang umakyat na tatlo. Tumakbo naman ako ng mabilis dahil sa excitement. Sumunod rin si josef sakin at natatawa kaming naghabulan paakyat sa burol.


"Hoyyy!!! Hintayin niyoo kooo!" Sigaw ni Minerva na agad naman naming kinahagalpak ng tawa ni Josef

May dala kasing basket si Minerva kaya di siya maka takbo ng mabilis. Katulad ng sinabi niya ay hinintay namin siya atyaka kami naglakad ng sama sama papaakyat.

Nang marating na namin ang gitna ng burol ay walang pagsidlan sa tuwa ang aking puso. Sinalubong kami ng malamig na hangin at mapayapang tanawin. Inilapag naman ni Minerva ang dalang basket bago umupo at sumandig sa puno ng narra.


Pinagsawa ko ang aking mga mata sa tanawin. Sayang nga lang at hindi ko nadala ang cellphone ko dahil sa pagmamadali kanina. Hindi ko tuloy makuhanan ng litrato ang paligid.

"Ate Krystal taraa na!! Kain na tayo!! tanghali na kasi tayo naka alis sa bahay. Buti na lang maagang nagluto si tita juanita at nakapag dala ako ng pagkain." Ani Minerva

Lumapit naman ako sakanila at sumandig rin sa puno. Binigyan ako ni Minerva ng plato at nag umpisa na kaming kumain tatlo.


Puro tawanan lang at asaran ang pinag kwentuhan namin dito sa burol. Pagkatapos naming kumain ay nanungkit kami ng santol malapit sa puno ng narra. Sa likod kasi ng narra ay may puno ng santol at may panungkit na rin ditong nakahanda. Siguro dito nga nanguha sila Kris at Camilla noong araw nung nahuli ko silang magkasama na dalawa.

Inalis ko sa aking isipan si Kris at nag concentrate sa pagsalo ng bunga. Matapos naming manungkit ay bumalik ulit kami sa ilalim ng puno at kumain ng santol.

Nagkwentuhan at nag habulan lang kaming tatlo. Wala naman kasing tao dito kundi kami lang kaya masaya naming ginawa ang gusto namin. Patuloy lang kami sa pagtatawanan ng hindi namin namalayan ang oras. Alas 5 na pala ng hapon at kanina pa kaming nakaupo at kumakain ng santol dito sa tuktok ng burol.


"Grabe.. ang bilis ng oras, kailangan na natin umalis at baka abutan pa tayo ng dilim dito." Wika ni Minerva

Tinulungan namin siyang magligpit ng pagkain at ilagay sa plastic ang mga basura. Pagkatapos ligpitin ang dalang gamit ay binigyan ko ng huling tingin ang burol. Heto na siguro ang huling beses na makaka apak ako dito kaya ninanamnam ko na ang sariwang hangin at mga tanawin.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon