KABANATA 17:

72 2 0
                                    


"Thank you Mr. Cruz, we will make sure that all of your orders will delivered on time." striktong sabi ni Kris

"I trust you Mr. Del Vega. I am hoping to meet you soon." ani ni Mr. Cruz

"It's a pleasure to work with you Mr. Cruz. Goodbye and Have a nice day!" Kris said before ending the call.

Andito kami ngayon sa office niya sa mansyon. Matapos ng nangyari sa kaniyang kwarto ay tahimik naming inayos ang aming relasyon. Nakaupo ako sa sofa habang inaayos ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan.

I was busy fixing the documents when Kris hugged me tight. I smiled a little and brush his hair smoothly before giving him a kiss on his forehead.

"I'm tired baby!" Nakangusong wika ni Kris

I chuckled on his remarks, "Do you want something to eat?" I said softly

Inangat niya ang kaniyang tingin at nangingiting sinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"I want you." he said huskily while sniffing my neck

Namula naman ako sa sinabi niya at tinapik siya sa kaniyang braso. He chuckled then hug me more tightly.

"Kris, aayusin ko pa tong mga pipirmahan mo. Gusto mo bang magpahinga muna? Pwede ka namang bumalik sa kwarto mo?." I said worriedly

Umiling naman siya at bahagyang umahon sa pagkakayakap sakin. He touched my hands and hold it firmly.

"No, I'll stay here. Hindi naman ako pagod lalo na't nandyan ka."

Inirapan ko naman sya upang itago ang kilig. Tumayo ako para kumuha ng tubig at binigay sakaniya na agad naman niyang ininom.

"Btw Kris, birthday nga pala ni tita presly bukas. May kaunting salo salo sa bahay, baka raw gusto mong pumunta?" tanong ko kay Knight na mukhang busy sa kakatingin sa magkahulugpong naming kamay

"Really?, Kaya pala kinausap niya si Dad na hindi raw siya papasok bukas." Aniya

"Oo, bukas na hapon gaganapin yung birthday niya kaya may oras ka pa para mag isip. Atsaka, gusto ka nga palang makilala nila mama bilang boyfriend ko." nahihiya kong saad

"So, ipapakilala mo na ko sa family mo bilang boyfriend mo?" saad niya pa

I nodded, "Kung gusto mo lang naman. Hindi naman kita pinipilit kaya ayos lang kung tumanggi ka".

"Gusto ko Krystal. Gustong gusto ko. I'm happy na ipapakilala mo na ko sa family mo. Atleast wala na tayong itatago sa relasyon natin."

Ngumiti ako ng malawak sa sinabi niya. Kapag naipakilala ko na siya kala mama ay magiging legal na kaming dalawa pero di ko pa rin maiwasang isipin ang pamilya niya.

"Kris yung-"

"Love!." He said nonchalantly

"H-huh?" wika ko sa naguguluhang tanong

"I want you to call me Love, baby."

Hindi na ma awat ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya. Nahihiya kong tinakpan ang mukha ko ng aking kamay na agad niya namang kinatawa.

"It looks like my baby is shy!." He laughed while removing my hands to my face

Inirapan ko naman siya dahil sa pagkakapahiya kanina. Inayos ko naman ang sarili bago siya hinarap

"Love, about sa family mo? Ayos lang ba kayo? Si Claire? Si Ma'am Rona? Nagkausap na ba kayo?" saad ko

"Don't worry about them, wala naman silang magagawa dahil desisyon ko to. And besides Dad and Mom likes you very much. Kaya wala ka nang dapat na ipag alala sa pamilya ko okay?"

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon