KABANATA 20:

85 4 0
                                    


Tulala akong nakatingin sa dingding ng aking kwarto. Umaga na at hindi pa rin ako bumabangon mula sa pagkakahiga sa aking kama. Iniisip ko pa rin kasi yung pag uusap namin ni papa kahapon. Sobrang dami ng nangyari at di ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong unahin.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok sa kwarto ko. Tinatamad at mabigat ang loob akong umalis sa kama at binuksan ang pinto.

Tumambad sakin ang nakangiting si mama. Hinaplos niya ang aking braso at sinabing handa na raw ang agahan namin. Sabay naman kaming bumaba at dumiretso sa kusina.

Nag aalalang tingin naman ang pinukol sakin nila minerva. Nginitian ko na lang sila bago kumuha ng pagkain sa mesa.

"Krystal iha, mag tatrabaho ka ba ngayon sa mga Del Vega?" Tita presly said

Hindi ako sumagot sa tanong ni tita presly at pinagpatuloy ang pag ubos ng pagkain. Pagkatapos kumain ay bumalik na ko sa kwarto upang mag ayos para sa trabaho. I took a bath fast and look for a simple shirt and pants before going.

Bumaba ako at nagpaalam na kila mama na aalis bago lumabas ng bahay. Sumakay na ko sa tricycle at nagbayad bago lumarga papunta sa hacienda.

Nang makarating ay agad naman akong bumaba at naglakad papasok. Ngumiti pa ko sa guard bago dire-diretsong tumuloy sa loob ng mansyon. Hinanap ko si Kris sa kanilang sala ngunit wala sjya doon. Pupunta sana akong kusina para magtanong nang lumabas si manang fely mula sa loob.


"Manang fely, nakita niyo po ba si Kris?" magalang kong sambit.

Tinignan naman ako ni manang ng matalim na parang isang malaking kamalian ang pagtatanong ko sa kaniya.

"Hinahanap mo si Knight?, Andoon sa bahay nila Camilla humihingi ng dispensa dahil sa pamamahiya ng ama mo sa pamangkin ko!" galit niyang wika

Napalunok naman ako at nahihiyang umiwas ng tingin. Mas lalo lang akong na guilty dahil sa mapanuring tingin na ginawad sakin ni manang fely

"S-sorry po manang fely, hindi po namin sinasadya na madawit si Camilla sa problema namin." Hiya kong sambit

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha! Eh napahiya na ang pamangkin ko sa harap ng maraming tao!. Pinagmukha niyo siyang naninira ng relasyon!!. Kung tutuusin nga dapat ikaw ang pinapahiya, dahil ikaw ang totoong naninira ng relasyon. Hindi pa ba sapat sayo yung pagkakasira ng relasyon ni Kris sa tita at pinsan niya! At ngayon ang pamangkin ko naman na matagal nang kakilala ni Knight ang sinisira mo!!." bulyaw ni manang fely

Hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan habang nakayuko at tinatanggap ang sermong ni manang fely. Tama naman kasi siya.. ako naman talaga ang naninira ng relasyon... Ang sama ko sobra.

"Alam mo Krystal, simula ng dumating ka dito ay puro problema na lang ang hatid mo. Baka nga kaya ka dumidikit kay Knight para sa pera!."

Umiiling naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi totoong pera ang habol ko kay Kris dahil totoo ko siyang mahal

"Ma-manang, mali po k-kayo-"

"Kilala ko si Knight na may prinsipyo at sariling paninindigan. Marunong syang magtimpi at hindi siya namamahiya ng tao. Pero ikaw? Binabago mo siya at hindi ka nakakabuti para sa kaniya. Tama nga ang hinala ko, unang kita ko pa lang sayo alam ko nang problema ang ibibigay mo. Kaya huwag mo nang hanapin si Knight, dahil inaayos niya ang gulong kinalat ng ama mo kahapon. At kung may natitira ka pang kabutihan? Hayaan mong gawin ni Knight ang nararapat niyang gawin at huwag ka nang magpasimula ulit ng bagong gulo!." Ani ni manang fely at tuluyan nang umalis sa harap ko.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon