KABANATA 31:

89 2 0
                                    


Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak ni Kris at itinago ito sa aking likod. Ngumiti naman samin si Amanda at ngumiti ng matamis.

"Why don't you join us? Wait saan na ba kayo pupunta ngayon?" Pag uusisa pa niya.

"No, it's fine Amanda, pupunta na rin naman kami sa taal volcano then mamayang 5pm babalik na kami sa Manila dahil my flight pa ko papuntang Cebu." Raven answered.

Tumaas ang aking kilay nang hawakan ni Amanda ang braso ni Kris at yakapin to.

"That's Great!. I want to see the Taal volcano as well. Sama tayo Knight?!" Ani niya kay Kris

Napairap ako sa kaartehan ng babaeng to. Hindi naman namin siya iniimbita tapos sasama, walang sense.

Humarap samin si Kris at tinignan kaming dalawa. "Well, if they don't mind why not?"

Nagkatinginan kami ni Raven at humihingi siya sakin ng permiso kung pasasamahin ba namin tong dalawa. Kung ako lang ayoko pero hindi ko naman pag mamay ari yung taal kaya tumango na lang ako at naunang lumabas.

Narinig ko pa ang pag sang ayon ni Raven bago ako sinundan at inakbayan papunta sa sasakyan.

Sumakay na ko sa loob ng sasakyan ni Raven at mula sa sude mirror nakita ko pa kung paano alalayan ni Kris si Amanda sumakay sa kaniyang kotse bago tumingin sa kotse namin. Nagtama ang aming mga mata sa side mirror at inirapan ko siya bago ibinalik ang tingin sa harapan.

Pina andar na ni Raven ang kaniyang kotse at nagsimulang mag maneho. Tahimik lang akong tumitingin sa paligid at sinariwa ang mga tanawin. Naramdaman ko ang paghawak ni Raven sa aking kamay at bahagya itong pinisil.

"Sweety sorry. Nasira pa yung bakasyon natin. Galit ka ba?" Malambing na tanong niya sakin

Ngumiti lang ako sakaniya at umiling. Hindi naman ako galit sa kaniya dahil wala naman siyang kasalanan. Ang may kasalanan yung Amanda dahil masyadong sipsip. Kainis! Minsan na nga lang mag bakasyon may kasama pang ahas tapos yung isa naman nag papa ahas.

"Don't worry sweety, tayo naman magkasama kaya mag eenjoy pa rin tayo." Ngiti niya

Tumango na lang ako at binaling ang tingin sa labas. Maya maya lang ay nakarating na kami sa taal volcano lake.

Excited akong lumabas at iginala ang tingin sa paligid. Manghang mangha ako sa nakikita kaya excited kong hinatak ang kamay ni Raven at inaya siya pa akyat para makita ng maayos ang taal lake.

"Raven taraa dalii!! Ang ganda don oh!" Saad ko habang hatak siya pa akyat. Hindi ko na pinansin yung dalawang asungot na kasama namin at hinayaan silang sumunod. Tawang tawa kami ni Raven na nag pa unahan pa akyat sa taas at nang makarating na kami sa tuktok ay umawang ang labi ko sa ganda ng taal volcano.

"Wow!!" Mangha kong saad.

"This is so beautiful?!" Wika ni raven

Kinuha ko agad ang cellphone ko at kumuha ng litrato. Hindi na mabura ang ngiti sa aking labi dahil ito ang unang beses na makita ko nang malapitan ang taal.

"Woww!! Knight look at that it's fantastic!" Maarteng wika ni Amanda.

Liningon ko naman sila at nakita kong nakatingin sakin si Kris habang naka pamulsa sa kaniyang pantalon. Napalunok ako at ibinalik na lang ang tingin sa lawa. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang lamig ng hangin.

"Sweety, halika picturan kita dalii!" Anyaya ni Raven sakin

Tumawa naman ako at binigay ang aking cellphone bago nag simulang mag pose habang nakataas ang dalawang kamay.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon