"Good morning Doc!." Bati ng mga nurse sa akin. Ngumiti ako sa kanila at dumiretso sa head office ni Dr. Cielo.Nang makarating ako sa opisina ni Dr. Cielo ay nakita ko siyang may pinipirmahang papeles. Inangat niya naman ang tingin sa akin at nakangiting giniya ako paupo.
"Hello, Dr. Cortes. What makes you come here?" Aniya.
I smiled genuinely, "Dr. Cielo, mag fa file po sana ako ng leave. Bukas na po kasi ang kasal ko at pagkatapos ng kasal ay mag ho honeymoon po kami ng asawa ko sa ibang bansa." Sambit ko
Ngumiti si Dr. Cielo at tumango. Kinuha niya ang letter of absence ko at saka ito nilagay sa drawer.
"Don't worry Dr. Cortes, enjoy your vacation with your husband and congratulations in advance. Best wishes to the both of you." Wika ni Dr. Cielo habang tinatapik ang aking braso. Nagpadala naman ako at lumabas na sa kaniyang opisina.
Pumasok ako sa opisina ko para asikasuhin ang papeles ng mga pasyente. Gusto ko maayos ang lahat bago ako umalis ng bansa. Matapos kung asikasuhin ang lahat ng gagawin ay napagpasyahan ko ng umuwi sa bahay.
Dala ko ang sariling sasakyan dahil hindi kami maaaring magkita ni Kris. Pamahiin raw sabi ni mama kaya kahit ayaw niya ay sinunod pa rin naming dalawa. Nakauwi na rin ang mga magulang ni Kris at nagkausap na kami noong isang araw. Bukas ay magiging ganap na Ms. Del Vega na ko at excited na ko para doon.
Sasakay na sana ako sa kotse ng may bumisina sa aking harapan. Inis akong bumaling kay Raven ng iniharang niya ang kaniyang kotse sa sasakyan ko. Binuksan niya ang bintan at tinawag ang aking pangalan.
"Krystal. Tara samgyup tayo nagugutom na ko!" Ngisi niya na ikinairap ko naman. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas kwatro pa lang ng hapon. Napahawak naman ako sa aking tiyan ng makaramdam ng gutom. Mukhang gutom na rin ang baby ko kaya pumayag na lang ako sa gusto ni Raven.
"Sumakay ka na sa sasakyan ko sweety, baka putulan ako ng ulo ng magiging asawa mo kapag nalaman niyang hinayaan kitang magmaneho. Buntis ka pa naman!" Wika niya atsaka tarantang lumabas ng kotse para alalayan ako sa kaniyang sasakyan.
Sinikmuraan ko naman siya dahil sa inis. Hawak hawak niya ang kaniyang tiyan at umaarteng masakit ang suntok ko sa kaniya.
"Sweety naman, di mo kailangan manakit. Pag yan lumaking basagulero anak mo sasabihin ko sayo nag mana." Tudyo niya pa na kinairap ko
"Kasi naman hindi mo na ko kailangan alalayan. Mag iisang buwan pa lang ang tiyan ko. Hindi ako baldado Raven pwede ba!" Pagsusungit ko na agad niya namang kinatawa.
"Ang cute talaga ng mga buntis. Oh siya... Sumakay ka na. Ipapakuha ko na lang sa driver ko ang kotse mo." Ani niya saka pumasok na rin sa loob ng sasakyan at paandarin ito.
Lumingon sakin si raven habang nagmamaneho, "Saan mo gustong kumain sweety? Samgyup tayo gusto mo?" Tanong niya na ikinailing ko.
"I want some lomi raven, I am craving for it." I said
"Okay ma'am! Lomi here we go!" I chuckled on what he said and look outside the window of his car.
Maya maya lang ay huminto na ang kotse sa tindahan at napangiti ako ng ma amoy ang lomi at diretsong pumasok sa loob. I was very excited to the point na nakalimutan kong may kasama pala ako.
Umupo sa harap ko si Raven. Natatawa siyang inasar ako dahil sa pagmamadali kong kumain ng lomi. Umorder na siya at pagkatapos ay dinala na rin ng babae ang lomi sa aming mesa.
Tinikman ko ang sabaw at halos kuminang ang mata ko sa sarap ng pagkain nila. I started eating not minding raven looking at me like I was some kind of a weirdo.
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...