KABANATA 16:

67 2 0
                                    


It's been a month since we came here in the province. Marami na rin ang nangyari sa loob ng isang buwan naming pananatili dito sa probinsya. Naging maayos naman ang relasyon namin ni Kris at masaya naman kami sa isa't isa.

Halos araw araw na rin kaming magkasama ni Kris. Sa susunod na linggo na kasi matatapos ang pagtatrabaho ko sa kaniya kaya naging busy na rin ako nitong mga nakaraang araw sa trabaho. Sinipat ko naman ang aking hitsura sa harap ng salamin at ng makuntento ay bumaba na ko para makapag agahan.

Narinig ko ang ingay sa kusina pagkababa ko pa lang ng hagdan. Dumiretso na ko doon at tahimik na umupo bago kumuha ng tinapay at juice para kainin.

"Mama!! Bukas na po birthday niyo! Anong gusto niyong gift?" masayang wika ni Minerva

"Asus kahit wala ng gift gift na yan!!gusto ko lang ng maliit na salo salo dito sa bahay. Yung tayo tayo lang, huwag na yung bongga." saad naman ni tita presly

"Naku.. wag mo na isipin ang pera presly. Kami na ang bahala sa birthday mo bukas. Gusto mo ba regaluhan kita ng boyfriend, may mga kakilala ako". asar na sabi ni mama kay tita presly

Tumawa naman ako sa tinuran ni mama. Maaga kasing namatay ang asawa ni tita presly kaya naging solo parent siya sa dalawa niyang anak na si Minerva at Josef.

"Tumahimik ka nga dyan, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko no!" ani ni tita

Masaya ko naman silang pinagmasdan habang kumakain. I was drinking my juice when mama said something,

"Anak isama mo si Senyorito Knight dito bukas ha!. Gusto namin makilala ang boyfriend mo!." Malawak na ngiti ni mama.

Napaubo naman ako ng marinig ko ang kaniyang sinabi. Tinapik tapik ko pa ang aking dibdib at umubo ng umubo.

"A-aalis na po ako ma! Bahala na po kayo dito." iwas kong wika bago tumayo at tumakbo papalabas ng bahay.

Narinig ko pa na sumigaw si mama na isama ko raw si Knight bukas sa birthday celebration ni tita presly. Naiiling na lamang akong sumakay sa tricycle at nagtungo sa hacienda ng mga Del Vega.

Nang makarating sa hacienda ay agad kong binayaran si kuya bago tumakbo papasok sa loob. Tutuloy na sana ako sa loob ng mansyon ng marinig ko ang paguusapan ng dalawang kasambahay na nagwawalis sa bakuran.

"Grabe bagay na bagay talaga si Senyorito Knight at Camilla ano!" sambit ng isang kasambahay na nagwawalis

"Sinabi mo pa, nakita ko nga kaninang binuhat ni Senyorito Knight si Camilla papasok sa mansyon. Nadapa kasi at mukhang may LQ" hagikhik naman ng isa.

"Pero teka diba may girlfriend na si Senyorito. Yung assistant niya ata na hindi naman kagandahan!" tawa pa ng isa

"Hayy nakuu.. maghihiwalay din ang dalawang yun. Hindi naman sila bagay. Mas nararapat si Camilla kay Senyorito!." Wika nila bago pinagpatuloy ang paglilinis

Sumakit ang puso ko ng marinig ko ang kanilang usapan. Hindi ko na lamang yun pinansin at nagpatuloy papasok sa mansyon. Dahil sanay na kong maglabas pasok sa loob ng mansyon, dumiretso na ko papasok ng hindi nagpapa alam. Pupuntahan ko sana si Kris sa opisina niya upang surpresahin nang makita ko silang dalawa ni Camilla sa sala.

"Sinabi ko naman sayong huwag kang tumakbo, tignan mo ang nangyari nasugatan kapa sa kakatakbo mo". Kris said while putting some ointment on Camilla's knee

Kagat labi namang yumuko si Camilla. Hindi nila ako nakitang dalawa dahil busy sila sa kung anumang ginagawa nila dito. Kumirot ang aking puso sa nasaksihang pag aalala sa mukha ni Kris. I feel like my heart is going to break by just seeing the two together

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon