KABANATA 8:

87 2 0
                                    

Kanina pa ko naiinis sa paghawak ng kamay ni Kris sa aking braso. Paano ba naman kasi, sa tuwing malapit siya sakin ay lumalayo ka agad ako dahil nga pinangako ko sa sarili ko kagabi na iiwasan ko na siya pero siya naman itong lapit ng lapit at hinahawakan pa ang braso ko para di ako tuluyang maka layo.

"Kris ano ba pwede bang bitawan mo na ko kanina kapa hatak ng hatak di na nga ako lalayo eh" inis kong saad sa kaniya habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso

Naramdaman ko namang biglang kumalas ang pagkakahawak niya sa akin at tumigil siya sa paglalakad para harapin ako

"What did you just call me?" he said coldly

"H-huh? Anong pinagsasabi mo dyan"

"I heard you, You just call me Kris!"

Namumula naman akong umiwas ng tingin, "Ah yun ba? Madami na kasi tumatawag sayo ng Knight kaya anoo.... Hmm... Kris na lang ang itatawag ko sayo"

Taimtim niya kong pinagmamasdan na parang may kakaiba sa akin

"P-pero kung ano kung di mo gusto pwede nama--"

"No!, I like it" he cut me off

"H-huh?" naguguluhan kong saad

"I said, I like it!. You can call me Kris, I want it" seryoso niyang sabi at nagpatuloy sa pagiinspeksyong ng mga prutas sa bodega

Nangingiti naman akong tumingin sa kaniyang likod. Sinasabi ko na nga ba gusto niya rin eh

"What are you still doing there, come here! List all the number of the baskets in each fruits!"

"Yes, Sir!" pagsaludo ko habang natatawang papalapit sa kaniya

Binilang ko isa isa lahat ng mga basket sa kada prutas. Pagkatapos ay nilista ko ito sa hawak kong papel at dinitalyeng maigi ang mga datos nito.

Lumingon ako sa aking gilid ng makita ko si Kris na nakikipag usap sa mga trabahador. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila at panigurado ay tungkol yun sa mga naaning prutas at gulay sa bukid. Di rin nagtagal at pina alis niya rin ito at pinagpatuloy na rin nila ang kanilang trabaho.

After I'm done with my work, I went near to Kris just to show all the data's I listed earlier

I saw him waiting for me under the accasia tree. He was standing there firmly while drinking water. Kahit ang pag inom niya ng tubig ay sobrang nakakaakit tingnan.

Nang makalapit na ko ay saka niya naman binaba ang mineral water na dala niya. I stilled, when he hold my hand and give me the water that he was drinking earlier.

"Drink, I'm sure you're thirsty",

Wala naman akong nagawa kundi inumin ang tubig na inabot niya sa akin at nang maubos ay tinapon ko yun sa malapit na basurahan.

"Let's go, may hinandang tanghalian sila aling myrna sa kubo. Doon na lang tayo kakain" saad niya sakin

Malakas akong napabuntong hininga ng nauna na siyang naglakad sa akin. "Hindi man lang gentleman, hmpp. Buti na lang pogi ka at crush kita kundi ekis ka talaga sakin" I murmured harshly

Sinundan ko lang siya sa paglalakad ng hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa kubo na sinasabi niya. Magulo at madaming tao ang nakapaligid sa kubong yun. Rinig ko rin ang malakas na tawanan at asaran ng ibang mga trabahador.

Napahinto naman sila sa tawanan ng makita nila kaming papalapit.

"Sir Knight, andito na po pala kayo! Halika po madami ang niluto ni aling myrna at puro pa masasarap" tuwang saad ng isa sa mga trabahante

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon