"Doc!! Ito po pala yung prescribed medicine sa ward 304 atyaka ito din po yung chart na pinapakuha niyo po sakin." Wika ni nurse tina"Sige, thank you tina." I said before walking to the ward of my next patient.
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng tanggapin ko ang alok ni Kris na pagpapakasal. Abala siya ngayon sa pag aayos ng nalalapit na kasal naming dalawa. Actually hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ko sa kaniya. Sa linggo na ang kasal namin at wala na nganag atrasan to.
Dinalaw na rin namin ni Kris ang pamilya ko dito sa manila. Humingi na rin siya ng basbas kay papa at masaya naming ibinalita na ikakasal na nga kaming dalawa. Mabilis na inasikaso ni Kris ang kasal namin at hindi na hinayaang umabot pa ng buwan dahil sabik na raw siyang maging asawa ako. Marami naman siyang connection kaya siguro mabilis lang ding na organisa ang kasal namin sa simbahan.
Kumpleto na ang lahat simula sa gown ko at sa gown at suit ng mga abay sa kasal. Maayos na din ang reception at naka schedule na rin kami sa simbahan. Naibigay na rin namin ang invitation sa lahat ng kaibigan at pamilya. Kaming dalawa na lang ang kulang ni Kris at hindi na rin ako makapaghintay na maging isang Misis Del Vega.
Malawak ang ngiting pumasok ako sa ward 304. Nakita kong nakahilata si Mr. Roger sa kaniyang hinihigaan habang kinakausap ang hello kitty na laruan.
"Hello, Mr. Roger? Iinom ka na po ng gamot. Tara na po!" Anyaya ko sa matanda.
Bumangon naman si Mr. Roger at nakangiting lumapit sakin.
"Ana! Andito si Dr. Gandaa! Tara anaa! Iinom na raw tayo ng gamot." Masayang ani ng matanda sa laruan
Malungkot naman akong tumingin sa matanda. Naaawa ako sa kaniya dahil iniwan na siya ng mga anak niya dito sa mental facility. Hindi na rin kasi kayang alagaan si lolo dahil sa may kaniya kaniyang pamilya na rin ang mga anak niya. Nagsimulang kausapin ni Mr. Roger ang kaniyang sarili ng mamatay ang kaniyang asawa. Mas lalong lumala ang lagay ng matanda ng iwanan na siya ng kaniyang bunsong anak na si Ana.
"Opo Doc Ganda! Iinom na po kami ni Ana ng gamot!" Saad ng matanda at umupo sa aking harapan.
Hinanap ko naman ang gamot na para sa kaniya at sinimulan niya na itong ininom. Abala ako sa pagliligpit ng gamit ng nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at haplusin ang aking singsing.
"Doc Ganda, ang ganda po ng singsing niyo. Pwede po akin na lang, bibigay ko kay Ana!" Tuwang ani ng matanda
Umiling ako at hinawakan si Mr. Roger sa balikat. "Pasensya na Lolo pero di ko po to pwedeng ibigay sainyo. Bigay kasi to ng lalaking papakasalan ko kaya hindi ko siya pwedeng ibigay." Mahinahon kong wika na ikinatango naman ng matanda.
"Papakasalan? Ayan po ba yung nasa simbahan tapos...tapos.. maraming taoo tapos may papa jesus sa unahan?!" Kuryoso niyang wika. Natawa ako dahil ang cute mag explain ni lolo at para siyang bata kung ipaliwanag ang tungkol sa kasal.
"Opo lolo, ganun nga po." I answered.
"Hala ganyan din kami ni Lolinda noon!" Kwento niya sakin.
"Si lola lolinda yung asawa niyo po?" Pag uulit ko. Kilala ko si lola Lolinda dahil lagi niya itong kinukwento sakin sa tuwing napapa punta ako dito sa ward niya. Kahit isip bata na si lolo hindi niya pa rin nakakalimutan i kwento si lola Lolinda sakin.
"Oo, pumunta kami Lolinda sa simbahan dati tapos marami tao tapos may papa jesus sa unahan tapos nagkiss kami kasi kasal na kami!." Aniya.
"Talaga po? Congratulations po sainyo ni Lola Lolinda, sigurado po ako na mahal na mahal niya po kayo."
BINABASA MO ANG
Untold Desire
Roman d'amourLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...