Warning slight spg.
Tahimik kaming nakarating sa hotel room na binook niya. Hindi pa rin ako makabawi sa sinabi niya kanina at hanggang ngayon parang nasa alapaap pa rin ang aking puso sa mga narinig mula sakaniya.
Aaminin ko na mahal ko pa rin siya pero natatakot ako. Ayoko ng makita siya ulit na umiyak nang dahil sakin. Ayoko ng masaktan ulit kaming dalawa.
"You can take a bath inside the room Krystal. Magluluto ako dinner natin. May gusto ka ba?" He said calmly
Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nahihiya akong tumingin sa kaniya dahil matapos ng nangyari kanina sa taal lake ay kusa na lang akong sumama sa kaniya sa kotse.
"Ka-kahit ano na l-lang." Ani ko at tumayo para pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko pa lang ay nanghihina akong napaupo sa kama at hinaplos ang mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil alam ko sa sarili ko na kunting tulak pa niya ay alam kong bibigay ulit ako sa kaniya.
I sighed deeply then I was about to go to the bathroom when I hear him knocking in the door. Binuksan ko ang pintuan at nakitang may hawak siyang paper bag sa kaniyang kamay.
"I bought clothes for you" he said
Tinanggap ko naman ang damit na iniaabot niya at nagpasalamat bago pumasok ulit sa loob ng kwarto.
Naligo na ko at sinuot ang damit na binigay niya. He bought me a floral dress that reached on my knee. Maganda ang dress at napangiti ako ng magkasya ito sakin. Lumabas na ko ng banyo at tumungo sa kusina.
Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang paborito kong sinigang. Nakita ko si Kris na inihahanda ang pagkain sa lamesa at tumulong naman ako sa kaniya sa pag aayos ng mga kubyertos.
"Kumain ka na, nagluto ako ng paborito mo."
Tumango naman ako at umupo. Sinalinan niya naman ako ng kanin at ulam sa mangkok bago nag hain ng pagkain sa kaniyang sarili.
Dahil sa gutom ay hindi ko na tinanggihan ang pagkain at nagsimulang ubusin ang ulam. Tahimik lang kami sa kusina at pansin ko rin ang panaka nakang sulyap niya sakin. Abala kami sa pagkain ng tumunog ang cellphone ni Kris na agad niyang sinagot. Tumayo siya at umalis sa kusina para sagutin ang tawag.
Tinapos ko naman ang pagkain ko at pagkatapos ay hinugasan ito bago ibalik sa lagayan. Naramdaman ko naman ang presensya ni Kris sa aking likuran at inihatid ang kaniyang pinggan sa lababo.
"Ako na mag huhugas rito. Magpahinga ka na sa kwarto." Malamig niyang saad
Tumabi naman ako at hinayaan siyang tapusin ang paghuhugas sa pinggan. Pagkatapos ay humarap siya sakin at mukhang nagtataka pa kung bakit hindi pa ko umaalis sa kaniyang tabi.
"May kailangan ka pa ba?" Tanong niya
Bumuntong hininga ako at marahan siyang hinawakan sa kamay bago hinatak papunta sa sofa sa living room at umupo.
"Let's talk Kris. Let's clear everything between us." I started
He gulped and stare at me intently, "Krystal if you're talking about on leaving me, I can't do that. Handa akong maghintay hanggang sa mahalin mo ulit ako at hindi kita pipilitin sa bagay na ayaw mo." Ani niya
"Kris mahal kita." I said bravely
Nakita ko ang pag awang ng kaniyang labi sa sinabi ko. Bumalatay rin ang kaguluhan sa kaniyang mukha.
"W-what did you say?" He shockingly asked
"Raven is not my boyfriend Kris. At oo mahal pa rin kita hanggang ngayon." Saad ko

BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomansaLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...