KABANATA 13:

67 4 0
                                    


Malungkot na umuwi ako sa bahay. Aakyat na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang boses ni mama na tumatawag sakin

"Anak andito ka na pala, kamusta?" ngiti niya ng malawak

Parang gantilyo naman ang ngiti ni mama dahil agad na tumakbo ako papalapit sa kaniya habang humahagulhol ng iyak. Mahigpit ko siyang niyakap at itinago ang aking mukha sa kaniyang leeg

Naluluha namang hinaplos ni mama ang aking likod habang hinahayaan akong umiyak ng umiyak

"Shhh.. tahan na anak, magiging maayos din ang lahat" nag aalalang sambit ni mama

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakatayo at nagyayakapan pero ng mahimasmasan ako ay umupo kaming dalawa sa sofa at kumuha si mama ng tubig para saakin

"May problema ka ba Krystal anak? Pwede mong sabihin sakin?" Wika niya

"Ma? Kailan po ba tayo uuwi?" malungkot kong saad

Marahang hinaplos ni mama ang aking buhok, "Bakit anak? Gusto mo na bang umuwi? Yan ba ang dahilan kaya ka umiiyak?" She said slowly

Umiling iling naman ako sa kaniya, "Hindi na ma! Ano.. baka pagod lang to sa trabaho. Siguro magpapahinga na lang muna ako" matamlay kong saad

"Masyado ka bang napapagod sa trabaho mo? Mabuti pa nga at magpahinga ka na, kakausapin ko na lang ang tita presly mo at sasabihan ko kung pwedeng isang buwan ka lang mag trabaho sa pamilya Del Vega ng sa ganon ay may oras ka pang mamasyal at mag relax dito bago tayo umuwi sa susunod na buwan" ngiti ni mama na nag pagaan sa aking kalooban

Tumango na lamang ako at tumayo na para makapagpahinga. As soon as I enter my room, I immediately got emotional. I cried and cried hard until I burst my emotions.

Di ko akalain na ganito pala kasakit magmahal. Ganito pala ang pakiramdam ng hindi mo ma abot yung taong gustong gusto mo. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala ng mailabas na luha ang aking mata at nagpatangay na lamang sa antok.

...
Nagising ako ng maramdamang may tumatapik sa aking pisngi.

"Ate gising na kakain na daw sa baba," sambit ni amanda

Tamad kong dinilat ang aking mata. Ramdam ko ang pamamalat ng aking lalamunan dahil sa paghikbi at ang pamumula ng aking mga mata dahil sa pagiyak

"Ate, umiyak ka ba? Namamaga mata mo" wika ni amanda


Inirapan ko naman siya at sinabing susunod na lamang ako sakaniya pababa sa kusina

Pumasok ako sa banyo at naghilamos para di mahalata na galing ako sa pagiyak. Pagkatapos ay bumaba na ko para kumain na rin ng dinner

Nang makarating ako sa kusina ay andoon na ang buo kong pamilya, nakaupo na rin ang mga kapatid ko at mga pinsan habang inaasikaso nila mama at tita presly ang pagkain.

Tahimik na umupo na ko sa bakanteng upuan at kumuha ng kanin pati ulam at nilagay na ito sa aking plato.


"Buti naman gising ka na Krystal, hala at kumain na tayong lahat" sambit naman ni lola

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang nagsalita si tita presly.


"Iha kanina nga pala tinatanong sakin ni Senyorito Knight kung nasaan ka raw. Pagkatapos mo kasing magbanyo ay hindi ka na bumalik kaya nag alala sila Don Gustavo sayo. Buti na lang at tumawag sakin ang mama mo at sinabing nakauwi ka na raw kaya agad ko na ring sinabi kay Senyorito na nagpapahinga ka na sa bahay". Wika niya pa

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon