Pagkatapos ng nangyari sa farm ay ligtas naman akong nakauwi sa amin. Ang balak sanang pamamasyal ay di na naituloy dahil sa buwisit na lalaking yun
"Ate Krystal andito ka na pala! Kanina ka pa namin hinahanap kanina kaso sabi ni mama ay umalis ka raw kasama si kuya Knight.. yiee si ate!!" tudyong sabi ni minerva
Inirapan ko siya at dumiretso pa akyat sa kwarto. Hanggang ngayon di pa rin ako maka paniwala sa sinabi ni Knight
"Anong ibig niyang sabihin na interesado na siya ngayon sa babae? Kaninong babae siya interesado? Arghhh... Nakakabaliw siya!" gigil kong sigaw
"Teka?! Am I assuming things now? Paano kung si Camilla ang tinutukoy niyang babae? Tama.. tamaa, sigurado akong si Camilla ang tinutukoy niya dahil sobrang labo na mag ka gusto siya sakin."
"Pero shitt gusto ko na ata siya!!" Argghhhh... bat kasi ang landi at gwapo ng lalaking yun eh marupok pa naman ako sa mga pogi
Napaigtad ako ng biglang may kumatok sa pinto. "Krystal anak andyan ka na ba Bumaba kana dito at kakain na tyaka hinahanap ka ng tita mo may sasabihin ata sayo!" sambit ni mama
"Opo ma, pababa na po!" sigaw ko pabalik sa kaniya
Inayos ko muna ang aking sarili pagkatapos ay lumabas na rin ako ng kwarto at tumungo sa kusina.
"Halika na dito Krystal apo at kumain ka na!" saad ni lola
Ngumiti naman ako ng tipid at nagsimula na rin akong kumain.
Nasa gitna kami ng hapag kainan ng biglang mag salita si tita presly, "Saka nga pala Krystal iha, gusto mo ba ng pag kaka abalahan pansamatala habang nag babakasyon ka dito samin?" mahinahong tanong niya
Napatingin naman ako kay mama at ngumiti siya ng malawak sakin
"Anong trabaho po ba yan tita?"
"Ganito kasi yun, naghahanap kasi ng assistant si Don Gustavo para kay Senyorito Knight. Napapansin kasi ni Don Gustavo na nahihirapan si Senyorito mag ayos ng mga papeles sa opisina at madalas ay wala ding kasama si Senyorito Knight sa pag iinspekyon ng kanilang azucarera at sa iba pa nilang lupain. Kaya agad kitang inirekomenda kay Don Gustavo dahil alam kong baka na boboring kana dito sa bahay at baka gusto mo din ng pag kaka abalahan. Sa katunayan nga ay nais kang makilala ni Don Gustavo at pwede ka na raw mag simula bukas kung gusto mo" excited na saad ni tita presly
Napa awang na lamang ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit parang wala na ata akong choice humindi sa proposal nila. At ano? Ako assistant ng ulupong na yun? Edi mas lalo akong di naka ahon sa pagka crush ko kay Knight" napapikit na lamang ako sa sobrang frustrations na nararamdaman
"Oh ano anak? Gusto mo ba? Maganda yun. Atleast may experience kana sa pagtatrabaho, magagamit mo pa ang experience na to sa future mo diba?" nagagalak na wika ni papa
Tinignan ko sila isa isa at lahat sila ay puro ngiti at pagtango ang binigay sakin.
I sighed deeply, "ano pa nga bang magagawa ko kundi pumayag sa gusto nila. Siguro iisipin ko na lang na para din to sa future ko at para sa kanila"
Ngumiti ako sakanila at tumango bilang pag sang ayon sa kanilang gusto. Naghiyawan naman sila minerva at tuwang tuwa naman sila tita presly sa aking naging pasya.
"Bukas na bukas din at isasama kita sa hacienda ng mga Del Vega. Naku, tiyak na magugustuhan mo don iha!" galak niyang wika
Pagkatapos kumain ay umakyat na din ako sa aking kwarto upang maghanda sa aking pag tulog. It's been really a tiring day. Pumunta kami ng batis, Nakisaya sa salo salo, at pumunta ng Farm kasama si Knight.
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...