KABANATA 10:

82 3 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayari sa loob ng kotse ay nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako. Bahagya pang nanginginig ang aking tuhod dahil sa tinuran niya kanina. Inayos ko naman ang aking sarili ng pumasok na kami sa loob ng restaurant.

"Good morning sir?, Do you have any reservation?"

"Yes, reservation under Del Vega."

"Wait a minute Sir, let me check it for awhile"

Nilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng restaurant. Maganda at mukhang mamahalin ang restaurant na to. Marami rin akong nakitang mga tao na masayang kumakain at nag uusap

Binalik ko ang aking tingin sa babae ng magsalita ulit siya

"Table for Mr. Del Vega, please follow me" saad ng receptionist

Sumunod naman kami ni Kris sa babae at pagkatapos ay tinuro niya na sa amin ang aming table na kung saan may naghihintay na isang matandang lalaki na nangigiting bumaling sa amin.

"Good morning Sir Michaels, I'm sorry we're late" pakikipag kamay ni Kris sa matanda

Tumawa naman ng pagak ang lalaki, "It's fine Mr. Del Vega. It was a pleasure to meet you again" said by Mr. Michael's


Inalalayan naman akong umupo ni Kris sa upuan at pagkatapos ay umupo na rin siya sa aking tabi. Napansin ko na itinaas ni Kris ang kaniyang kanang kamay upang tumawag ng waiter at umorder ng makakain

Maya maya lamang ay lumapit na sa amin ang waiter at binanggit naman ni Kris ang aming order.


"So, Mr. Del Vega, kamusta ka naman?" tanong ng matanda

"I'm fine Mr. Michael's, how about you? magalang na saad ni Kris


"Wala ka pa ring pinagbago, napakagalang at seryoso ka pa rin katulad ng iyong ama" the old man chuckled

Sa kalagitnaan ng pag uusap nila ay dumating na rin ang waiter dala dala ang aming order. Nanlaki ang mata ko sa masasarap na pagkain na nakahain at agad na sumubo ng hindi iniintindi ang dalawa

Tipid naman ngumiti si Kris sa matanda, "So, how about my offer? Napag isipan niyo na ba?" aniya

"Yeah! about your offer, I agree with it. Napirmahan ko na rin ang mga dokumento and I'm expecting that by the end of the month ay maidedeliver nyo na sa pabrika ko ang mga prutas.


"Don't worry Mr. Michael's, I assure you all your request will be delivered as soon as possible" he said vigilantly


"You didn't change at all iho, you're still really strict when it comes to your businessess. Manang mana ka talaga sa ama mo. Btw who is this..." sabay tingin sakin mula ulo hanggang dibdib since nakaupo ako at di niya makikita ang mga paa ko..

"young girl with you" he continued

Kris gazed at me and introduce me to the old man

"Mr. Michael's, meet my assistant Krystal,"

Ngumiti ako ng malawak sa matanda, "It's nice meeting you Mr. Michaels".

"It's nice seeing you as well. What happened to your girlfriend Kris. Diba at siya ang madalas mong kasama kapag nakikipagkita sa mga kliyente?"

Nang aakusa ko namang tinignan si Kris. Aba, taksil talaga to. Bat niya pa ko sinama sama dito eh yung Camilla niya pala ang laging niyang sinasama


"She's not my girlfriend Mr. Michael's, and she's busy. Besides I already got my assistant with me, so from now on Krystal will be with me in any business transactions that I'll do."

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon