KABANATA 25:

93 3 0
                                    


Nagising ako ng maaga at nilibot ang tingin sa paligid. Bumaling ang tingin ko sa aking hinihigaan at nakita ko si Kris sa aking tabi na himbing na natutulog at nakayakap sakin ng mahigpit.

Inalala ko ang mga nangyari samin kahapon at bahagyang ngumiti ng maalalang ibinigay ko na naman sa kaniya ulit ang aking sarili. Wala akong pinagsisihan doon dahil mahal na mahal ko siya.

Dahan dahan akong umalis sa kaniyang pagkakayakap ng maalalang hindi ako nakauwi kagabi. Siguradong nag aalala na sakin sila papa at baka magalit na naman sila kapag nalamang nakikipagkita ako ulit kay Kris.


Nang makawala sa kaniyang yakap ay hinanap ko ka agad ang aking damit sa living room at muli yung isinuot. Hindi ko na mahanap ang aking panty kaya hinayaan ko na lang yun at umakyat ulit sa kwarto para icheck si Kris.

Mahimbing pa rin siyang tulog sa kama. Lumapit ako sakaniya at hinaplos ang kaniyang mukha bago bigyan ng magaan na halik sa labi.

Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko dahil sa sakit na naibigay ko sakaniya.


"Mahal na mahal kita Kris. Sobra!. Pero kailangan muna nating maghiwalay mahal ko. I'm sorry kung kailangan ko tong gawin. Kung makakahanap ka man ng iba, tatanggapin ko. Kung kakamuhian mo ko pagkatapos nito, tatanggapin ko rin. Pleasee be safe love. Please be happy. I love you so much." Iyak kong wika bago siya bigyan ng madiing halik sa noo


Pinunasan ko ang luhaang mata at napagdesisyunan ng umalis sa kaniyang kwarto. Lumabas na ko at tinignan ang bahay mula sa labas sa huling pagkakataon bago naglakad palabas ng villa at pumara ng tricycle pauwi sa bahay.

Dalawang araw na lang at uuwi na kami ng manila. Napangiti ako habang minememorya ang masasayang alaala naming dalawa.


Bumaba na ko sa tricycle at binigyan ng bayad ang driver bago pumasok sa loob ng bahay. Aakyat na sana ako ng makita ko ang buo kong pamilya sa sala.

Inilahad naman ni mama ang kaniyang dalawang kamay na animo'y humihingi ng yakap. Umiiyak akong tumakbo sa kanila at niyakap si mama. Sumama naman sa pagyakap ang buo kong pamilya at nakidamay sa durog kong puso.

"Ayos lang yan anak!. Kung para talaga kayo sa isa't isa ay magtatagpo kayong dalawa ulit." Wika ni mama


"You made a right decision anak. Mahal ka namin." Saad naman ni papa bago hinalikan ang aking buhok at niyakap.

Umiyak ako sa kanilang bisig. Pagod na kong umiyak at gusto ko na lang makalimot.


"Papa! P-pwede po bang bukas umalis na tayo? Gu-gusto ko na pong umuwi papa. Please po." Nagmamakaawa kong sambit

Tumango naman si papa at niyakap ako ng mahigpit.

"Amanda. Blake. Ayusin niyo na ang mga gamit niyo dahil bukas na umaga ay aalis na tayo katulad ng gusto ng ate niyo."

Tumakbo ang mga kapatid ko papunta sa kanilang mga kwarto. Sinamahan naman sila ni mama para tulungan mag ayos ng gamit.


"Sige na anak. Umakyat kana sa kwarto mo at ayusin mo na rin ang gamit mo. Bibili na ko ng ticket ngayon para makauwi na tayo bukas." Ani papa bago ako pinakawalan.

Umakyat na ko sa aking kwarto at doon nagkulong. Linabas ko lahat ng gamit at inilagay yun sa stroller. Umiiyak kong niligpit ang mga damit ko at inayos ang mga kailangan dalhin.


Matapos kong ayusin ang gamit ay humiga ako sa kama at inabala ang sarili sa pag iyak. Iniisip ko pa lang na makakahanap si Kris ng bagong babaeng mamahalin ay nadudurog na ko. Pero alam ko na kung sakaling makahanap man siya ng babaeng mamahalin ay magiging masaya ako para sakaniya.

Untold DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon