I was waiting in the parking lot and look for Kris. Kakatapos lang ng work ko at alas 6 na ng gabi kaya hinihintay ko si Kris dahil ang sabi niya ay kakain kaming dalawa sa bahay niya.Nakatayo ako sa gilid ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Doc Cortes!, What are you doing here? Uuwi ka na ba?" Tanong ni Dr. Ivan
Isa siya sa mga doctor sa hospital at madalas ko rin siyang makasama sa mga medical mission noon. Mabait siya samin lahat at sa pagkakaalam ko ay single dad siya.
"Oo, hinihintay ko lang yung boyfriend ko susunduin nya ko." Ngiti kong sagot
"Are you sure? Medjo madilim na. Gusto mo bang sumabay na lang sakin. Madadaanan ko naman yung condominium mo." Wika pa niya na agad ko namang kina iling
I chuckled, "I'm fine Ivan. Sige na baka hinihintay ka na ng anak mo. Ayos lang ako dito don't worry."
"Sure ka ha?. Sige mag iingat ka. Mauuna na ko." Aniya sabay tapik sa aking braso.
Umalis na siya at sumakay sa kaniyang kotse. Sakto namang dumating ang sasakyan ni Kris at nakangiti akong sumakay sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Hi!" Bati ko sakanya pero nawala ang ngiti ko ng seryoso siyang tumingin sa harap at mahigpit na hinawakan ang manibela
I touched his biceps and talk to him calmly. "Hey, what's wrong? Bad day?" Malambing kong saad
He clenched his jaw and look at me intently, "who's that guy with you earlier?" Madilim niyang saad
Naguguluhan ko siyang tinignan at biglang pumasok sa isip ko si Ivan kanina.
"Ahh si Ivan ba? Katrabaho ko. Nagtanong lang kung gusto ko raw sumabay sa kaniya pauwi since madadaanan naman niya yung condominium." Ngiti ko
He scoffed harshly, "Bakit ka niya ihahatid? Nangliligaw ba yun sayo." Mapait niyang wika
Kumunot ang aking noo at hinarap siya ng mabuti. "Hindi siya nangliligaw sakin. Nagaalala lang yung tao kasi akala niya wala akong masasakyan. Tinanggihan ko naman siya at sinabing susunduin mo ko kaya umalis na rin siya." Pagpapaliwanag ko
"Tssk.." ismid niya bago sinimulang paandarin ang sasakyan.
Humagalpak ako ng tawa ng may narealize sa inakto niya kanina.
"Teka nga? Nagseselos ka ba kay Ivan?" Kuryoso kong tanong"Ivan huh! First name basis na kayo?!" Simangot niya sakin
Natatawa ko siyang kinurot sa pisngi bago hawakan ang kaniyang braso. "Huwag ka nang magselos love. Ivan is just a friend okay and you are my boyfriend, so you don't have to worry about. Hindi ako maaagaw sayo dahil sayo lang ako hmm." Malambing kong wika na kinangisi niya naman ng palihim
Napangiti ako ng makitang namula ang kaniyang tenga at ngumingisi habang nag mamaneho. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito bago bitiwan.
"I ordered some food for us baby.. I know you're hungry." Aniya.
Binaling ko ang tingin sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang naglalakihang mga buildings. Maya maya lang ay nakarating na kami sa isang subdivision at ipinasok niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng malaking bahay.
Kumikinang ang mata kong linibot ang tingin sa kabuuan ng kaniyang bahay at nagmamadaling bumaba sa kotse para tignan ang paligid.
"Wow! Ang gara ng bahay mo Kris!" Mangha kong saad sakaniya
BINABASA MO ANG
Untold Desire
Roman d'amourLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...