"Ma!! ako na maglilinis diyan! Pahinga na po kayo"masigla kong saad kay mama"Minervaa!!! Wag mo ng hawakan yan na plato ako na maghuhugas!" saway ko naman sa kaniya
"Lola, ako na rin po magluluto!!! Kaya manuod na lang po kayo ng T.V doon sa sala!!" tuwa kong sambit kay lola habang todo ngitii na parang nababaliw
Matapos ang nangyari doon sa pabrika ay walang oras na hindi ako naka ngiti at gumagalaw sa bahay. Lahat ng gawain ay agad kong inaako at tinatapos na may ngiti sa labi.
Abala ako sa paghuhugas ng plato habang kinakanta ang paborito kong kanta na enchanted by taylor swift nang marinig ko ang bulung bulungan ng aking pamilya sa sala
"Ayos lang ba si ate Krystal? Parang nababangag na yata eh?" Sambit ni Minerva
"Oo nga, kahapon pa yan ganyan. Halos siya na ang gumawa ng lahat ng gawain dito sa bahay. Kahapon nga nakita ko yang naglilinis sa cr habang sumasayaw" tawa naman ni Josef
"Jusko, mama!! Ano na po nangyayari sa anak ko?? Dadalhin ko na ba siya sa mental? Parang nasisiraan na ata siya ng bait!!" saad ni mama kay lola habang nakatingin sa akin
Tumatawang hinarap ko silang lahat dahil rinig na rinig ko ang pag tsitsismisan nila sakin.
"Ma, Lola, Minerva, Josef!, Hindi po ako baliw no... Baliw lang sa kaniya hihi" tili ko habang tangang tumatalon talon sa aking pwesto
"Jusko, alisin niyo po ang masamang espiritu na sumanib sa apo ko"! piping dasal ni lola na kinahagalpak ko naman ng tawa
Nakapamaywang ko silang hinarap habang nangingiti pa rin. "Ma!! Ano po gagawin niyo kung sasabihin ko po sainyo na...." pabitin kong saad
"Na ano anak? Krystal iha, alam mo namang mahal na mahal ka namin ng papa mo. Kaya kung may problema ka pwede mo saming sabihin, hindi yung sinasarili mo yung problema anak!" Aniya
Humagikhik naman ako "Sira ka ma! Wala akong problema ano!"
"magkakajowa na po ang malandi niyong anak!!" sambit ng aking maharot na isipan na kinangiti ko ng malawak
"Ano ba ang ibig mong sabihin anak!!"
Hinugasan ko muna ang aking mga kamay bago lumapit sa pwesto nila mama. Tumabi ako sa gitna nila mama at minerva at inakbayan silang pareho
"Ganito kasi yun ma! Sa tingin ko po...inlove na ko!!" tili ko ng malakas
Napaawang naman ang labi nilang lahat ng marinig ang sinabi ko. I wiggle my eyebrows at them because of too much happiness. Pero agad naman akong napangiwi ng kinurot ni mama ang aking tagiliran
"Walang hiya ka talagang bata ka!! Ang landi landi moo! Kanino ka naman inlove ha!! Nakuu.. siguraduhin mo lang na may matinong trabaho yang lalaki mo kung ayaw mong sipain kita palabas ng bahay!" Wika ni mama habang kinukurot ang aking katawan
Rinig ko naman ang tawanan nila minerva at josef pati na rin ni lola dahil sa mga kurot sakin ni mama. Tumakbo naman ako papalapit kay lola at nagtago sa kaniyang likod.
"Ma! Naman masakit yung kurot mo! Saka, wag po kayong mag alala..Mayaman po yung lalaki ko, hindi po kami maghihirap kung sakaling magpakasal po kaming dalawa" ngiti kong sambit kay mama
"Juskoo, halika dito ng makurot kitaa!! Anong kasal kasal ha!! Ang bata mo pa! Ni di ka pa nga tapos ng pag aaral tapos kasal agad nasa isip mo!! Halika dito at ng makurot kita!! Pag ito nalaman ng papa mo sigurado akong pauuwiin ka nun agad sa manila mag isa!!. Nasaan na ba yung hanger ko dito!!." mom said while looking for some hanger around
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomansLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...