Nakasimangot akong naupo sa bato at tinignan ang agos ng tubig mula sa batis. Hanggang ngayon di ko pa rin mapigilang mahiya sa nangyari kanina sa hacienda. Samantalang yung dalawa ay halos mamatay na sa kakatawa. Mabuti na lang maganda ang batis at falls dito nababawasan ang stress ko pansamantala
"Ate tara ligo tayo!! Ang lamig ng tubig tyaka presko!" I glared at them sharply. If really looks can kill, malamang ay kanina pa naka handusay ang dalawang to
Linibot ko naman ang paningin ko sa paligid. May maliit na kubo di kalayuan sa batis at mukhang nagsisilbi yung bihisan kung sakali mang may magtatangkang maligo dito. Maganda ang paligid at sobrang tahimik. Nakaka relax at masarap tambayan ang lugar na to
"Ate sorry na inaasar ka lang naman namin tyaka crush mo naman talaga si kuya Knight... iba ka kaya tumitig sa kanya kanina kulang na nga lang ay iuwi mo siya sa bahay natin" sabay hagalpak ng tawa ng dalawa
"Heh!! Tigilan nyo ko and fyi di ko siya crush no! Nagwagwapuhan lang ako sa kaniya pero di ko siya type. Tyaka nakakahiya sa tao malay ko ba kung may jowa na yun edi mas lalo akong napahiya" sagot ko sa kanila
"Ay oo nga nu, hala baka magalit si ate camilla pag nalaman niyang pinupush natin si ate Krystal kay kuya Knight" nangangambang saad ni josef
"Camilla? Sino yun?" nagtataka kong tanong sa dalawa
Lumapit naman sakin ang magkapatid at umupo sa katabing bato na inuupuan ko.
"Si ate camilla po ay apo ni manang fely. Nababalita rin na kasintahan siya ni kuya Knight dahil madalas silang makitang mag kasama na dalawa at halos hindi mapaghiwalay."
"Maganda ba yun? yung camilla"?
"Ay naku ate sobrang ganda po ni ate Camilla. Madami ngang lalaki ang naghahabol at nangliligaw sa kaniya pero mukhang si kuya Knight lang talaga ang tanging lalaking pinapayagan niyang lumapit sa kaniya"
Ang dating malungkot kong mukha ay mas lalong nalungkot dahil sa aking mga nalaman. I'm right, sa ganong klase ba namang lalaki di malabo na magkaroon sya ng girlfriend
I sighed harshly, mukhang wala na nga talaga akong chance na mag ka lablayp sa syudad man o kahit dito sa probinsya.
"Hayaan mo na ate Krystal marami pa namang ibang lalaki dyan na pwede mong maging crush. Tulungan ka namin ni josef mag hanap" pag aalo sakin nila minerva
Nangingiwi ko silang tinignan at inirapan "Ano bang pinagsasabi nyo, di ko crush si Knight no at mas lalong di ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, so shut up na lang kayo"
Nagkatinginan naman sila at humagikhik "Tara na ate, bilisan na natin dito at babalik pa tayo sa hacienda" tuwa nilang bigkas
"Babalik? Sa hacienda" bat tayo babalik? may naiwan na naman ba si tita presly?
"Wala po, nagtext sakin si mama at pinapa punta niya tayo doon siguro ay imbitado tayo sa salo salo"
"Ano? Ayoko nga kayo na lang bumalik! Uuwi na ko"
"Eh ate sayang naman ng pagkain tyaka masasarap sila mag luto! Dali na punta na tayo!" pamimilit nila sakin
Malakas akong napabuntong hininga at tumango sa kanila. Mag iinarte pa ba ako sayang din naman ng mga pagkain. Atsaka sigurado naman akong babalewalain na rin ng lalaking yun yung sinabi ni minerva lalo pa at may nobya na pala siya.
Oo na bilisan nyo na mag ayos at ng makakain na tayo at makauwi na din. Tamad kong saad
Dali dali naman silang nag ayos ng kanilang sarili at pagkatapos ay umalis na din kami sa lugar para pumunta sa salo salo na gaganapin sa hacienda
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...