Nangingiti kong tinignan si Kris habang pinapaliguan niya ang alaga niyang kabayo na si Black. Hawak hawak niya ang hose habang masayang binabasa ang kabayo. Wala siyang damit pang itaas kaya naman naaaliw akong tignan ang 8 pack abs niyaBumaling naman ng tingin sakin ang boyfriend ko.
Oo.. boyfriend ko na siya. Matapos kasi ng paguusap namin sa gazebo ay hindi na ko nag dalawang isip na umoo sa kaniya. Alam ko na iisipin ng iba na masyado akong easy to get pero iisipin ko pa ba yun? Isang KRISTOF KNIGHT DEL VEGA na ang nababaliw sakin kaya bakit ko pa ba patatagalin kung pwede naman naming simulan na ang aming pagmamahalan. Besides, we love each other. I want to feel this love before it last. Ayoko naman magkaroon ng maraming what if's sa buhay ko kaya agad ko na rin siyang sinagot. Mahirap na! Baka maagaw pa ng iba..
"Baby! Come here!! Hawakan mo muna tong hose at sasabunin ko si Black masyadong magalaw eh!" ngiting saad ni Kris
Kinikilig naman akong lumapit sakaniya at kinuha ang hose sa kaniyang kamay. Kinuha na man niya ang sabon at sinumulang sabunin si Black..
Bahagya ko namang binasa ng tubig ang kabayo dahilan para mabasa ko ng kaunti si Knight
"Hala... Sorry!! Di ko sinasadyaa!" tawa kong sambit
Ngumisi naman siya sakin, "Ayos lang, basa na rin naman ako eh ikaw basa ka ba" he laughed
Tinignan ko naman ang aking sarili, "Hindi naman ako basa ah" nguso kong sagot
Humagalpak naman siya ng tawa na parang may nakaka amuse sa sinabi ko
"Do you want to get wet?" he smirked
Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya kaya inis ko siyang tinamaan ng tubig sa mukha...
"Ang bastos mo talaga Kriss!!!! Nakakainis ka.. Anong basa huh! Gusto mo papakin kita este sapakin kita diyan eh!!" malandi kong sagot
"Pwede mo naman akong papakin, gusto mo magpapakan pa tayong dalawa!" ngisi niya na agad ko namang kinapula ng pisngi
Tinapon ko ang ponge na nasa loob ng balde at tumama naman ito sa kaniyang dibdib
"Umayos ka nga.. may makarinig sayoo lagot tayoong dalawaa!! Paliguan mo na si Blackk! Hindi yung nilalandi mo ko!" tawa kong wika ko
Kinagat niya ang kaniyang labi bago mabilisang paliguan si Black. Matapos niyang malinisan ang kabayo ay ibinalik niya naman ito sa kwadra at hinawakan ang aking kamay papasok sa mansyon.
"I'm just going to take a bath. Do you want to stay here in the living room or.." he come closer to me and whispered huskily, "Do you want to come with me in my room?. Pwede tayong magpapakan don kung gusto mo?"
Namumula ko siyang kinurot sa tagiliran bago natatawang humalik sa aking pisngi at umakyat sa kaniyang kwarto..
Sinupil ko naman ang kilig na nararamdaman dahil sa paghalik niya sa pisngi ko. Naisipan ko na lamang na tignan ang mga pictures sa living room habang hinihintay si Kris.
I was holding his graduation picture when someone spoke beside me
"That was his graduation day in America".
Gulat akong napalingon sa aking tabi ng makita ko si Doña Helena at nakatingin na rin sa hawak kong litrato
"I'm sorry, nagulat ba kita?" She laughed gracefully
"H-hindi ayos lang po?" Nahihiya ko namang saad
Tumingin siya sakin at binalik ang litrato sa dati nitong kinalalagyan. Pagkatapos ay seryoso siyang humarap na parang may gusto siyang sabihin
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...